December 17, 2025

Home SHOWBIZ

‘Para sa mga tulad ni Anecito ang aklat:’ Atom Araullo, tinupad wish ng security guard

‘Para sa mga tulad ni Anecito ang aklat:’ Atom Araullo, tinupad wish ng security guard
Photo Courtesy: Atom Araullo (FB)

Binigyan ng libro ni Kapuso award-winning broadcast-journalist Atom Araullo ang security guard na lagi niyang kabatian sa Trinoma bilanng katuparan sa hiling nito.

Sa latest Facebook post ni Atom noong Martes, Disyembre 16, kinuwento niya ang laging hinihirit ng gwardiyang si Anecito.

Aniya, “Kapag may nakakahuntahan akong mga kababayan sa labas, kadalasan napupunta ang usapan sa mga recent documentaries ko o kung ano man ang naging viral sa social media.” 

“Pero si SG Anecito,” pagpapatuloy ni Atom, “iisa lang ang laging sinasabi: gusto raw niyang magkaroon ng kopya ng libro ko. Noong una, akala ko chika lang. Pero sa pangalawa, pangatlo, pang-apat na beses, yun parin ang bukambibig niya.”

Events

Balik-Channel 2! Kapamilya top shows, mapapanood na sa ALLTV simula 2026

Kaya naman inabutan na ng mamamahayag ang gwardiya ng kopya ng “A View From the Ground” nang makita niya ulit ito kamakailan.

“Dahil sa totoo lang, para talaga sa mga tulad ni Anecito ang aklat — mga taong nagsisikap, kumakayod para sa pamilya, lumalaban nang patas, at hindi nagpapakasasa sa kickback mula sa flood control projects (naisingit pa talaga. Gigil lang ng very light),” pahabol pa ni Atom.

Ang libro niyang “A View From the Ground” ay koleksyon ng narrative journalism na nakasentro sa kuwento ng mga marhinal na tao sa lipunan. 

Kabilang sa koleksyong ito ang “Letter From Tawi-Tawi” na nagwagi ng unang gantimpala noong 2022 sa prestihiyosong Carlos Palanca Memorial Award.