Diretso ang mga pahayag ni two-time Olympic medalist Nesthy Petecio kaugnay sa pagrepresenta niya sa Pilipinas sa 33rd Southeast Asian (SEA) Games na ginanap sa bansang Thailand.
Sa ibinahaging social media post ni Petecio noong Martes, Disyembre 16, sinabi niyang ibigay na lang daw sa bansang Thailand nang diretso ang gintong medalya.
“Ibigay niyo na lang kaya diretso sa Thailand ang gold. Pahirapan niyo pa makipag suntokan e…lubos lubosin niyo na, nahiya pa kayo,” saad ni Petecio sa kaniyang post.
Photo courtesy: Nesthy Petecio/FB
Umani ng samu’t saring mga reaksiyon at komento ang mga naging patutsada ni Petecio.
“Ok ok lng yan nesthy Ikaw pa rin Ang gold para sa Amin”
“Matatawa ka nlng tlga. Cooking show na walang kalan.”
“You need to win convincingly when fighting against home turf”
“Hahahha true kahit anong gawin nyo cooking shaw padin yarn hahjaj”
“Ikaw p Rin ang Gold para s aken..huwag kng mg sasawa lumahok s sea games....marame humahanga su s tibay at lakas mo…”
“Ito rin gusto ko sabihin eh hahaha.. kaya di ako excited manood ng boxing ngayun kasi cooking ahowy”
Matatandaang nagapi si Petecio ng Indonesian boxer na si Hasanah Huswatun sa women’s lightwelterweight 63kg semifinals via split decision, sa iskor na 3-2.
Nakuha ni Petecio ang bronze medal para sa naturang kategorya, samantalang paglalabanan naman ni Huswatun at Thailand bet na si Somnuek Thananya ang gintong medalya.
Vincent Gutierrez/BALITA