Usap-usapan ang social media post ng legal counsel ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, na si Atty. Israelito Torreon, kung saan makikitang magkasama sila sa isang lugar.
Bagama’t hindi kinumpirma kung kailan ang naturang pagkikita, hindi tinukoy sa naturang post kung saang eksaktong lokasyon naganap ang nasabing pagkikita.
Sa caption, nagpahayag ng suporta at pag-iingat si Atty. Torreon para sa kliyente. Aniya, "Senator, laban lang tayo para sa bayan natin ito. Hinahunting ka pa rin Senator, ingat palagi ha."
Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang legal counsel kung ano ang napag-usapan nila ng senador o kung may kaugnayan ito sa mga isyung kinahaharap ni Sen. Dela Rosa sa kasalukuyan, kaya hindi siya dumadalo sa mga sesyon sa Senado.
Kaugnay na Balita: Sen. Bato, 'di lalabas hangga't walang malinaw na procedure sa arrest warrant ng ICC
Kaugnay na Balita: 'Hintay-hintay lang!' ICC, may tinatapos lang saka isisilbi arrest warrant kay Sen. Bato—Ombudsman Remulla
Matatandaang usap-usapan ang umano'y nakaambang warrant of arrest laban sa kaniya, mula sa International Criminal Court (ICC) na kaugnay sa kasong crimes against humanity ng dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa panahon ng kaniyang administrasyon.