Ikinabigla ng followers at supporters ng social media personality na si Joel Mondina alyas "Pambansang Kolokoy" na sumasailalim pala siya ng second cycle ng kaniyang chemotherapy, dahil sa cancer.
Naganap ang rebelasyon nang i-post ni PK ang larawan ng may mga nakasaksak na kamay ng tao na nakapatong sa isang dilaw na kama o hospital bed, na may nakakabit na intravenous (IV) line o suwero sa likod ng kamay.
Ang IV ay malinaw na nakakabit gamit ang medical tape, at may makikitang mga plastic na bahagi at clamp na karaniwang ginagamit sa pagbibigay ng gamot o fluids. Mapapansin ding ang kamay ay may tattoo sa bandang pulso, at may suot na itim na tali o bracelet.
Sa caption ng post, mababasa, "Here we go! Second cycle of chemotherapy #fckcancer."
Hindi naman idinetalye ni PK kung anong klaseng cancer ang pinagdaraanan niya ngayon.
Agad namang nagpaabot ng mensahe ng pag-aalala para sa kaniya ang mga netizen.
"Read the bible kapatid and meditate on His words. It heals."
"Omg anong cancer mo pk."
"PK You look strong n healthy you use to do exercises but deep inside your not well. Fight & ask from God bless your condition."
"Get well soon tol.. lagi kang laman ng dasal! Visit u soon."
Maging ang komedyanteng si Eric Nicolas, nagkomento na rin.
"Pagaling ka bro," aniya.
Noong Nobyembre 20, nagbahagi na rin si Mondina ng larawan niya habang nakaratay sa hospital bed, kasama ang tatlong mga anak.
"Strengths," mababasa sa caption na may emojis na bicep at hearts.
Matatandaang bandang 2022 hanggang 2023, ay naging usap-usapan si Mondina dahil sa hiwalayan nila ng dating misis na si Grace "Marites" Mondina.
Kaugnay na Balita: Vlogger na si 'Pambansang Kolokoy', aminadong hiwalay na sa misis; masaya na sa piling ng iba