December 18, 2025

Home BALITA

Day of reckoning sa mga nagsakdal kay FPRRD, parating na—Sen. Padilla

Day of reckoning sa mga nagsakdal kay FPRRD, parating na—Sen. Padilla
Photo Courtesy: Robin Padilla (FB)

Pinatutsadahan ni Sen. Robin Padilla ang mga nasa likod ng umano’y pagpapahirap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang Facebook post nitong Miyerkules, Disyembre 17, sinabi niyang parating na umano ang araw ng paniningil.

Aniya, “Nakakatakot kapag ang nag iisang Dios na ang gumanti sa mapagmataas, makapangyarihan at walang puso.”

“Day of reckoning! You are crucifying an 80-year-old man; you denied him the house arrest that the Filipinos are demanding. Those are prayers stained with tears. asking for justice from the Lord, the Creator,” dugtong pa ng senador.

ARTA, iraratsada website para sa reklamo sa mga ahensya ng gobyerno

Ito ay matapos umanong ma-cut off ng mga malalaking kompanya at bangko ang ilang judge at prosecutor ng International Criminal Court (ICC).

Matatandaang ibinasura ng ICC noong Nobyembre ang apelang interim release ni Duterte na kasalukuyang nakapiit sa The Hague, Netherlands dahil sa kasong crimes against humanity.

Maki-Balita: Apelang interim release ni FPRRD, ibinasura ng ICC

Naghayag naman ng lungkot si Padilla matapos ibaba ng korte ang naturang desisyon.

Maki-Balita: 'Wala na 'to!' Padilla, nalungkot sa pagbasura ng ICC sa interim release ni FPRRD