January 04, 2026

Home BALITA National

Bicam meeting para sa 2026 nat'l budget, target tapusin ngayong Miyerkules, Dis. 17—Sen. Win

Bicam meeting para sa 2026 nat'l budget, target tapusin ngayong Miyerkules, Dis. 17—Sen. Win
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Plano raw na matapos ngayong Miyerkules, Disyembre 17 ng Senado at House of the Representatives ang bicameral conference committee meeting para sa deliberation ng 2026 national budget. 

Ayon sa naging pahayag ni Sen. Win Gatchalian nitong Miyerkules, Disyembre 17, sinabi niyang target na rin nila ngayong matapos ang nasabing deliberation. 

“‘Yan ang target namin [matapos ngayon],” pagsisimula niya. 

Sinabi rin ni Gatchalian na maganda ang proseso ng pagtatapos nila ng budget ng ahensya ng Department of Public Works and Highways para susunod na taon. 

National

Castro rumesbak kay Pulong: 'Kung nandito ka lang lagi, uma-attend ng sesyon, 'di ka maliligaw!'

“Okay naman. Pina-finalize ko nga ngayon pa pero okay naman. So far, so good,” saad niya. 

Nilinaw rin niya na maaari raw na mas maliit sa ₱45 bilyon ang maaprubahan nilang dagdag budget pa sa DPWH.

KAUGNAY NA BALITA: 'Tinapyasang budget, pinababalik!' DPWH Sec. Dizon, nagpaliwanag sa bicam panel

“Mas less kasi ni-factor in nila ‘yong logistics, howling, indirect cost, at saka iba pang mga cost to make it realistic. Kasi nga yong argument… hindi siya implentable dahil ‘yong binigay sa amin, too general daw ‘yong number,” paliwanag niya. 

Dagdag pa niya, “Ngayon marami nang details. Obviously, liliit na ’yong savings na 45 billion [pesos] na kinompute namin.” 

Matatandaang nagsimula ang bicameral conference committee meeting mula sa mga delegado ng mataas at mababang kapulungan noong Sabado, Disyembre 13, 2025 para pag-usapan at iapruba ng mga mambabatas ang mga nakaplanong budget sa FY 2026 national budget ng bansa. 

MAKI-BALITA: Sen. Erwin Tulfo, kinuwestiyon pagpapatawag kay Sec. Dizon: 'This is a bicam conference committee!'

MAKI-BALITA: Libong infrastructure project na hindi maimplementa, may epekto sa pagbagsak ng ekonomiya—DPWH Sec. Dizon

Mc Vincent Mirabuna/Balita