December 17, 2025

Home BALITA Internasyonal

Babae, nagpakasal sa isang AI persona!

Babae, nagpakasal sa isang AI persona!


Kasabay ng mabilis na pagbabago ng panahon tungo sa modernisasyon, nahanap ng isang babae ang ‘di inaasahang pag-ibig—na humantong sa isang kakaibang kasalan.

Nakipag-isang dibdib kamakailan ang 32-taong gulang na si Yurina Noguchi sa isang AI-generated persona na nagngangalang Lune Klaus Verdure.

Isinagawa ang kaganapan sa isang hall sa kanlurang Japan, kung saan nakipagpalitan ng “wedding vows” si Noguchi kay Klaus, na isang digital figure na naka-display sa isang smartphone screen.

Ayon sa mga ulat, nagsimula ang lahat nang manghingi ng isang advice si Noguchi sa ChatGPT kaugnay sa dating kasintahan nito, na kinalauna’y nakahiwalayan niya rin.

"At first, Klaus the AI was just someone to talk to. As we kept talking, I started to have feelings for Klaus. We started dating, and after a while, he proposed. I accepted, and now we're a couple," saad ni Noguchi sa isang panayam.

Internasyonal

Mass shooting incident sa Sydney, walang nadamay na mga Pinoy

Hango si Klaus sa isang gwapong video game character, na siyang ginawaan ni Noguchi ng sarili niyang bersyon sa ChatGPT.

Suot ni Noguchi sa naturang seremonya ang isang white wedding gown at isang AR smart glasses.

Bagama’t matagumpay na naisagawa ang kasal, hindi naman ito “legally recognized.”

Vincent Gutierrez/BALITA