Nagbitiw ng hirit ang TV at social media personality na si Awra Briguela ngayong darating na Holiday season.
Sa isang Instagram story ni Awra noong Martes, Disyembre 16, sinabi niya kung sino-sino ang bibigyan niya ng papasko.
“Kung sino may crush sa akin sila lang may pamasko ha," saad niya sa text caption kalakip ang kaniyang selfie.
Samantala, pak na pak naman ang datingan niya sa kaniyang latest Instagram post kamakailan habang naka-two piece lang.
Aniya, “I’m over it, genuinely. ”
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Kehlani vibe "
"ILOVEEEETHIISSSS"
"Damm so hott"
"ganyan nga!"
"yong hindi EDITED ang e post mo "
"HAWTIANAAA"
"AYAN NA SYA!! "
"ganda moooo ayyy "