Binali ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) assisting counsel at human rights advocates na si Atty. Kristina Conti ang naging pahayag ni Sen. Robin Padilla sa sinabi nitong “day of reckoning.”
KAUGNAY NA BALITA: Day of reckoning sa mga nagsakdal kay FPRRD, parating na—Sen. Padilla
Ayon sa ibinahaging post ni Conti sa kaniyang Facebook account nitong Miyerkules, Disyembre 17, makikita ang naging post ni Padilla tungkol sa umano’y pag-cut off ng mga malalaking kompanya at bangko ang ilang judge at prosecutor ng International Criminal Court (ICC).
“Hindi po direktang magka-ugnay ang sanctions sa ICC sa kaso ni Duterte. Hindi "karma" ng judges o sinumang bahagi ng ICC ang mga nangyari,” mababasa sa nasabing post ni Conti.
Photo courtesy: Kristina Conti (FB)
Pagpapatuloy pa ni Conti, “Huwag pong maniwala sa mga hindi naman buong-buo ang pagkaka-intindi sa mga isyu.”
Matatandaang pinatutsadahan ni Padilla ang mga nasa likod ng umano’y pagpapahirap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, “Nakakatakot kapag ang nag iisang Dios na ang gumanti sa mapagmataas, makapangyarihan at walang puso.”
“Day of reckoning! You are crucifying an 80-year-old man; you denied him the house arrest that the Filipinos are demanding. Those are prayers stained with tears. asking for justice from the Lord, the Creator,” dugtong pa ng senador.
MAKI-BALITA: Day of reckoning sa mga nagsakdal kay FPRRD, parating na—Sen. Padilla
MAKI-BALITA: Apelang interim release ni FPRRD, ibinasura ng ICC
Mc Vincent Mirabuna/Balita