January 05, 2026

Home BALITA National

₱8,000 honorarium ng Brgy. Captain, kasinlaki ng suweldo ng kasambahay—Sen. Marcoleta

₱8,000 honorarium ng Brgy. Captain, kasinlaki ng suweldo ng kasambahay—Sen. Marcoleta
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Ikinumpara ni Sen. Rodante Marcoleta ang ₱8,000 honorarium na natatanggap ng mga barangay captains buwan-buwan sa suweldo ng mga nagtatrabaho bilang kasambahay sa Maynila. 

Ayon sa naging pagdinig ng Senado sa Committee on Local Government noong Martes, Disyembre 16, sinabi niyang  ₱8,000 per month lang daw average honorarium ng mga kapitan sa buong bansa. 

“Ang nasa akin is only ₱8,000 per month,” pagsisimula niya, “‘Yon ang average po nationwide.” 

Ani Marcoleta, kasinlaki ito ng buwanang suweldo ng mga kasambahay sa Maynila. 

National

Castro rumesbak kay Pulong: 'Kung nandito ka lang lagi, uma-attend ng sesyon, 'di ka maliligaw!'

“₱8,000 is the salary of our Kasambahay in Manila. Totoo po ito. So parang kasambahay na lamang po [ang barangay captain],” pagdidiin niya. 

Pagpapatuloy ni Marcoleta, ang mga barangay captain daw ang laging nagtatrabaho sa mga maliliit na problemang kinakaharap ng taumbayan sa araw-araw. 

“Ang responsibility ng barangay captain, 24/7, tama? Overworked, underpaid. Sabi nila, they’re the first responder… all national governments palaging nilalatag sa barangay,” saad niya. 

Pag-iisa-isa pa niya, “Ninakaw ‘yong kalabaw, si Barangay. Nag-away ‘yong kapitbahay, si Barangay. Nawala ‘yong pusa, si Barangay. Pero ₱8,000 is the national average ng honorarium. Kung talagang binabalak ninyo na ayusin natin, ‘yong Barangay ang unahin natin.”

Paliwanag ng senador, dapat daw na mas malaki ang ibinibigay na budget sa isang barangay na may malaking populasyon. 

“Ewan ko kung ganito rin ang iniisip ninyo, palagay n’yo na lang ang population natin ngayon 115 million Filipinos. Budgetan natin ang barangay komporme sa dami ng populations niya. Halimbawa ‘yong isang Barangay, 5000 ang kaniyang residents, 1000 ang isang head. So halimbawa 115 million ang populations, 115 bilang ‘yon. Puwede nating i-distribute per head,” paghihimay niya. 

“Makikita mo ngayon ‘yong equitable distribution ng budget. Kung sino ‘yong may pinakamaraming tao, mas marami siyang ano [honorarium],” pahabol pa niya. 

Kailangan umanong mabigyan ng pagkakataon kahit ang maliliit na barangay ng sapat na honorarium. 

“Kailangan po nating bigyan ng pagkakataon ‘yong mga maliliit Barangay lalo na po yong mga nasa 4th class, 5th class, 6th class municipalities. Wala po silang insurance, wala silang SSS, wala silang GSIS,” ‘ika niya. 

Samantala, binanggit din ni Marcoleta sa nasabing pagdinig na aabot lang daw sa ₱1,500 kada buwan ang natatanggap ng mga barangay tanod habang ₱300 na honoriaria naman para sa mga lupong tagapamayapa 

MAKI-BALITA: ‘Donasyon sa eleksyon?’ Sen. Marcoleta, sinampahan ng reklamong perjury sa Ombudsman

MAKI-BALITA: Sen. Marcoleta kay Asec. Lacanilao: 'Ito ba kabayaran sa paghahatid kay FPRRD sa The Hague?’

Mc Vincent Mirabuna/Balita