December 17, 2025

Home BALITA National

Unang Simbang Gabi sa buong Pilipinas, mapayapa—PNP

Unang Simbang Gabi sa buong Pilipinas, mapayapa—PNP
Photo courtesy: PNP, MB


Inilarawan ng Philippine National Police (PNP) na mapayapa ang ikinasang unang simbang gabi sa buong Pilipinas nitong Lunes ng madaling araw, Disyembre 16.

Ayon sa ulat ng mga awtoridad, wala silang natanggap na kahit anong “untoward incident” mula sa anumang panig ng bansa.

Sa ibinahagi namang pahayag ni Acting Chief PNP Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., nakatulong umano ang “heightened police alert” na ipinatupad ng ahensya upang masiguro ang kaligtasan ng mga debotong dumadalo sa naturang misa.

“The first Simbang Gabi was peaceful, and we are thankful that no untoward incidents were recorded nationwide. This reflects the readiness of our police units on the ground and the discipline and cooperation of our communities,” saad ni Nartatez.

“We will continue to sustain our deployments in churches, major roads, and convergence areas to make sure that our kababayan can attend religious activities safely and with peace of mind,” dagdag pa niya.

Pinagtibay din ng ahensya ang pangako nitong siguruhin na magiging maayos at ligtas ang nasabing tradisyon hanggang sumapit ang Kapaskuhan.

Sa usapin pa rin ng Simbang Gabi, nagbigay din ng pahayag ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) hinggil sa tradisyong ito.

“Huwag na tayong maghintay ng Simbang Gabi—araw-araw puwede tayong magdasal, puwede tayong pumunta ng simbahan, ‘yon na lang sabi ko pronounced itong ganitong pagdiriwang,” saad ni CBCP Commission on Public Affairs Executive Secretary Fr. Jerome Secillano nitong Martes, Disyembre 16, sa panayam ng DZMM Teleradyo.

MAKI-BALITA: CBCP, sinabing puwede araw-araw na magdasal, huwag na hintayin ang Simbang Gabi-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA