December 17, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sisteret ni Aira Lopez, ‘di nililigawan ni Willie Revillame

Sisteret ni Aira Lopez, ‘di nililigawan ni Willie Revillame
Photo Courtesy: Aira Lopez (FB), via Fashion Pulis

Pinabulaanan ni Kapuso artist at triathlete Aira Lopez ang umuugong na balitang nililigawan umano ng TV host na si Willie Revillame ang kapatid niyang babae.

Sa latest Facebook post ni Aira nitong Martes, Disyembre 16, nilahad niya ang kuwento sa likod ng lumutang na larawan na pinag-ugatan ng nasabing intriga.

“My ate Alou, is NOT dating Kuya Willie po,” saad ni Aira. “We visited our friend Tin who just gave birth, and her partner Raymond happens to be friends with Kuya Willie.” 

“Nagkataon na sabay ang bisita namin-and it was actually our first time meeting him. I posted a video where they were sitting next to each other, and biglang nabigyan agad ng meaning!” pagpapatuloy niya.

Tsika at Intriga

Followers, nagulat: Pambansang Kolokoy may cancer, nasa 2nd cycle na ng chemo!

Hirit pa ni Aira, “Also for the record: Alou is into 6-pack abs po, ako lang talaga ang na-in love sa oldie. Hahaha jk but no jk.”

Matatandaang si dating Batangas Vice Governor Mark Leviste ang kasalukuyan niyang karelasyon.

Natanggap ni Mark ang matamis na oo ni Aira noong Enero.

MAKI-BALITA: Mark Leviste, napasagot na si Aira Lopez!