December 16, 2025

Home SHOWBIZ

Pokwang, inaming utol ang nanapak sa amang nagkakariton

Pokwang, inaming utol ang nanapak sa amang nagkakariton
Photo Courtesy: Screenshot from Pokwang, LTO (FB)

Naglabas ng pahayag si Kapuso comedienne Pokwang kaugnay sa viral video ng driver na nanapak ng isang amang nagtutulak ng kariton habang pumapalahaw ang anak nito.

Sa latest Facebook post ni Pokwang nitong Martes, Disyembre 16, inamin niyang kapatid niya ang naturang lalaki sa kumalat na video.

Aniya, “May gusto lang po akong ipahiwatig. Totoo po 'yong nalaman n'yo tungkol do'n sa nag-viral na video na naka-Hilux na Toyotang puti. Opo, kapatid ko po 'yon. Galing, ano?”

Gayunman, pinaalala ni Pokwang na bagama’t pareho sila nito ng apelyido, hindi sila laging magkagaya ng iniisip at gawain araw-araw.

'Celebrating my day with them!' Esnyr nagpakain ng mga hayop sa b-day niya

“Paalala lang po na ang kasalanan ni Pedro ay hindi po pwedeng kasalanan ni Juan. Maaari pong iisa po kami ng apelyido pero naman hindi po kami laging pareho ang pag-iisip at ng mga gawain araw-araw,” anang komedyante.

Kaya naman humingi siya ng dispensa sa nagawa ng utol niya sa amang nagkakariton at sa anak nito. 

Sabi niya, “Ako po ay humihingi ng dispensa do’n po sa kaniyang nakaalitan. Lalong-lalo na po do’n sa anak na babae. Pasensya ka na, iha.”

Samantala, nangako naman si Pokwang na pupuntahan niya ang bata para bisitahin.

Sa kasalukuyan, sinuspinde na ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng nanakit na driver sa loob ng 90 araw habang pinapagulong ang imbestigasyon sa nasabing insidente