Sumakabilang-buhay na ang kilalang Pinoy voice actor na si Jefferson Utanes sa edad na 46.
Base sa Facebook post ng asawa, ilang kaanak, at mga kaibigan, umaga ng Martes, Disyembre 16, nang pumanaw si Jefferson, dahil sa ilang komplikasyon sa kalusugan, base naman sa mga nakaraang posts ng aktor sa social media niya.
Ang pangyayaring ito ay ikinabigla hindi lamang ng mga kaanak at kaibigan, kung hindi maging ng animation industry sa bansa, dahil sa mga naging gawa at kontribusyon niya rito.
Ilan sa mga kilalang karakter na binigyang boses ni Jefferson gamit ang wikang Filipino ay sina Mr. Krabs (Spongebob SquarePants), Doraemon, Kogoro, Mouri (Detective Conan), Roy Mustang (Fullmetal Alchemist: Brotherhood), James (Pokémon Series), at si Son Goku (Dragon Ball).
Sean Antonio/BALITA