December 18, 2025

Home OPINYON Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Higit pa sa tradisyon, si Hesus ang sentro ng Pasko

#KaFaithTalks: Higit pa sa tradisyon, si Hesus ang sentro ng Pasko
Photo courtesy: Freepik

Ano bang ibig sabihin ng pagbating “Merry Christmas” para sa’yo? 

Tuwing Disyembre, hindi mawawala ang mga grandeng party at handaan bilang pagdiriwang sa Pasko dahil para sa maraming Pinoy, ito ang panahon ng pagbibigayan. 

Sa ilan, ito ang araw ng pagpapasalamat sa nalalapit na pagtatapos ng taon. 

Pagpapasalamat kanino at para saan?

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Ang Diyos na nagluluksa para sa atin

 Sabi sa Lukas 2:13-14, nagdiwang at nagpuri ang mga anghel sa langit nang ipinanganak si Hesus sa lupa dahil Siya ang Messiah na noo’y hinihintay para iligtas ang mundo mula sa kasalanan at kamatayang dala nito. 

“Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin. Ibibigay sa kanya ang pamamahala; at siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan,” saad naman sa Isaias 9:6

Kaya sa Pasko, sa araw ng kapanganakan Niya, nararapat lamang na alalahanin ang buhay ni Hesus, ang walang hanggan Niyang pagmamahal sa atin, at mga naging sakripisyo Niya para sa buhay nating walang hanggan. 

Sa pagdiriwang ng Pasko, bago ang parties, noche buena, at mga reunion, huwag kalimutang magpuri at magdasal kay Hesus, at gawin ito ng may galak at saya (Pahayag 19:7). 

Tandaan din na sa panahong ito ng Kapaskuhan, ang buhay Niya ang regalong walang kapantay na una nating natanggap at matatanggap pa sa buhay natin. 

Sean Antonio/BALITA