December 17, 2025

Home BALITA

Ina ng Maguad siblings, dumulog sa RTIA noon; 'di raw natulungan?

Ina ng Maguad siblings, dumulog sa RTIA noon; 'di raw natulungan?

'BAKIT HINDI PO BA PWEDE NA MAGBIGAY NG TULONG OFF THE CAMERA?'

Ibinahagi ng ina ng pinatay na Maguad siblings na si Lovella Orbe Maguad ang patungkol sa pagdulog nila sa programa ni Senador Raffy Tulfo noong 2023.

Ayon kay Lovella, marami raw nagme-message sa kaniya na idulog ang kaso nila kay Sen. Raffy sa programa nitong Raffy Tulfo in Action—bagay na ginawa raw nila noong Pebrero 2023. 

Matatandaang pinatay noong Disyembre 10, 2021 ang dalawa niyang anak na sina Crizzle Gwynn, 18, at Crizville Louis, 16, sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay Bagontapay, M'lang North Cotabato pasado ng alas dos ng hapon.

‘Hindi kayo ang biktima!’ Rep. Ridon, bumwelta sa pasaring ni Pokwang

Maki-Balita: 'Dahil sa selos at inggit?' pumatay sa Maguad siblings, adopted daughter ng pamilya

"Marami pong nag-pm sa akin na idulog namin sa Sen. Raffy-RTIA yung case namin. We did, in fact, we there actually last February 2023," saad ni Lovella sa isang Facebook post nitong Martes, Disyembre 16, 2025—apat na taon na lumipas mula nang paslangin ang kaniyang mga anak.

"But since hindi po kami pumayag na isalang kaagad-agad sa TV, hindi po namin nakausap si Sen. Pumunta po sana kami doon para humingi ng tulong thru his wisdom. Makapagbigay sa amin ng direction kung saang credible office kami pupunta at sino ang aming lalapitan," saad pa ng ina.

"Gusto namin makausap si Sen. as a leader ng bansa natin not as TV personality," dagdag pa niya. "Kasi makausap mo lang daw siya pag doon na sa set... bakit hindi po ba pwede na magbigay ng tulong off the camera?" 

"Gumastos po kami noon para maghanap ng most reliable and just person na titingin sa kaso namin ng patas hindi po maghanap ng kaaway, magpahiya ng opisyales sa local at ahensiya on social media," giit pa ni Lovella.

"Basta magdamag ko umiyak noon sa ka process ng humiliating experience."

Samantala, sinubukan ng Balita na kunin ang panig ni Senador Raffy ngunit wala pa itong sagot. 

KUNG BABALIKAN

Narekober sa crime scene ang duguang damit ng mga suspek sa likod ng bahay at kitchen knife na pinaniniwalaang ginamit sa pagpatay sa magkapatid.

Samantala, nakaligtas naman ang kanilang kasama sa bahay na kinikilala sa pangalan na "Janice," na nakapagtago pa umano sa loob ng silid kung kaya't nakapag-post pa sa kanyang Facebook upang humingi ng tulong.

Dahil si Janice lang ang huling nakasama ng magkapatid at ang tanging nakaligtas, naging isa siya sa mga persons of interest. Dinala siya sa Social Welfare and Development Office sa M'lang, North Cotabato dahil siya ay menor de edad.

BASAHIN: 'She's nice and respectful' ina ng Maguad siblings, nagkwento tungkol kay 'Janice'

Mas tumindi pa ang rebelasyon dahil ayon sa ama ng magkapatid na si Cruz Maguad, umamin umano mismo si Janice na pinatay niya at ng kasabwat niya ang magkapatid dahil sa selos at inggit kay Crizzle Gwynn.

Noong Hunyo 2024 ay ibinalita ni Lovella Maguad na nakamit na nila ang hustiya para sa kanilang mga anak matapos mabilanggo nina Janice at ang kasabwat nito.

BASAHIN: 2 suspek sa pagpatay sa Maguad siblings, kulong ng 22 hanggang 37 taon!

BASAHIN: Lovella Maguad: 'Ang batas ay dapat pantay para sa lahat, bakit may tawad pa sa iba?

BASAHIN: Lovella Maguad sa mga yumaong anak: 'Forgive us kasi wala pa kaming nagawa na ibigay sa inyo'

Noong Mayo 2025, tampok sa "Maalaala Mo Kaya (MMK)" ang kuwento ng magkapatid na Maguad.

BASAHIN: Karina Bautista, kinatatakutan na dahil sa 'Maguad siblings'