December 18, 2025

Home BALITA Metro

Guro sa Tondo, tiklo; nangmolestya ng estudyante, testigo pinilit pang kumain ng ipis!

Guro sa Tondo, tiklo; nangmolestya ng estudyante, testigo pinilit pang kumain ng ipis!
Photo courtesy: Freepik

Isang lalaking guro sa Tondo, Maynila ang umano’y inaresto matapos ireklamo ng pananakit ng isang 12-anyos na babaeng estudyante at pinilit pang kumain ng ipis matapos umanong mahuli ang ginagawa ng guro, na sekswal na pangmomolestya sa isa pang babaeng estudyante sa loob ng palikuran ng paaralan, ayon sa Manila Police District (MPD).

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, batay sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente noong Oktubre 15 nang mahuli ng biktima ang suspek, na kinilalang si Nel, 53-anyos, habang umano’y gumagawa ng sekswal na pang-aabuso sa isang kapwa estudyante sa loob ng comfort room ng paaralan.

Ayon pa sa salaysay ng biktima, sinubukan niyang tumakas mula kay Nel ngunit agad siyang nahabol ng suspek at dinala sa loob ng CR. Doon umano siya sinaktan at pinilit na ipakain ang isang ipis bago pa tinakot na mapapahamak siya kung magsusumbong sa iba tungkol sa insidente.

Gayunman, isinumbong ng bata ang nangyari sa kaniyang mga magulang at sa mga awtoridad. Dahil dito, nagsagawa ng surveillance at follow-up operation ang pulisya laban sa guro.

Metro

Prusisyon ng Nazareno, nauwi sa rambol; menor de edad, nanaksak!

Kaya noong Disyembre 12, inaresto si Nel sa loob mismo ng campus ng paaralan sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Manila Regional Trial Court, Branch 38, dahil sa paglabag sa Republic Act No. 7610.