December 16, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

‘Chie-buana Lhuillier?’ Chie inenjoy maneho ni Matthew, netizens nag-react

‘Chie-buana Lhuillier?’ Chie inenjoy maneho ni Matthew, netizens nag-react
Photo courtesy: Screenshots from @kgo102397 (TikTok)

Muling usap-usapan ang Kapamilya actress-model na si Chie Filomeno kasama ang negosyante at rumored boyfriend na si Matthew Lhuillier matapos silang mamataang magkasama habang nasa isang car ride sa Cebu kamakailan.

Isang TikTok user ang nagbahagi ng video kung saan makikitang magkasama ang dalawa sakay ng isang puting Porsche Speedster.

Sa nasabing video, kinilala ng netizen sina Chie at Matthew habang nagmamaneho ang huli at nasa passenger seat naman ang aktres.

Kapansin-pansing relaxed si Chie habang ine-enjoy ang malamig na simoy ng hangin sa night drive. 

Relasyon at Hiwalayan

'Kung si Lord nga nagpapatawad what more pa na tayong anak N'ya lang?'—Jellie Aw

Tinawag pa ng netizen si Chie at binati ito, na sinuklian naman ng aktres ng ngiti at pagkaway, bagay na ikinatuwa ng mga nakapanood ng video.

Bago ito, namataan din sina Chie at Matthew na magkasamang namimili sa Oakridge Marketplace supermarket sa Cebu, na lalo pang nagpatibay sa espekulasyon ng publiko tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Sa social media, may mga netizen na pabirong tinawag ang tambalan bilang “Chie-buana Lhuillier,” ang microfinancial services provider na pagmamay-ari ng pamilya ni Matthew, na nagsimula bilang isang pawnshop.

"Chiebuana Lhuillier, thank me later..."

"gigil na gigil si Sofia Kasi anak mismo Ang Kay Che.kay Sofia apo lang.hahaha kaya tindi Galit nya."

"taray ni chie ndi nagpatibag kay sofia haha."

"so tanggap na ng family ni guy?"

"Gigil na gigil siguro si Sofia ngayon."

"When was this taken? Akala ko di sia tanggap ng fam ni Matthew?"

"HAHAHAHAHAH yes naman chie talagang nanalo ka laban kay sofia."

May mga nagbanggit pa na hindi raw papatalo si Chie sa kapwa Kapamilya actress na si Sofia Andres, na kamakailan lamang, ay sinita ni Chie sa social media dahil umano sa mga parinig laban sa kaniya, dahil sa pakikipag-date kay Matthew. 

Kaugnay na Balita: Pasabog ni Chie: 'Sofia,' nagbabayad ng influencers para siraan siya

Si Matthew ay pinsan ni Daniel Miranda, na karelasyon naman ni Sofia.

Matatandaang naglabas na noon ng pahayag si Chie kaugnay ng mga isyung ito, kung saan hiniling niya sa publiko na huwag nang idamay ang ibang pangalan at igalang ang pribadong aspeto ng kanyang personal na buhay.

"And when it comes to my personal life—my previous relationship was public, and I’m thankful for that chapter. But now, I’ve found new connections and safe spaces that I want to protect from unnecessary attention. This time, I’m choosing peace and privacy,” aniya.

“And when the time comes, you’ll see what love looks like when it’s nurtured quietly. For now, this is what I can share—my truth, my story, my peace. I hope I won’t have to explain myself again,” dagdag pa niya," dagdag pa.

Kaugnay na Balita: Chie Filomeno, muling nagsalita kontra intriga: ‘I am a public figure, but I am not public property!’

Kaugnay na Balita: 'It’s your sad boi era I’m in my healing era,' hirit ni Chie Filomeno

Kaugnay na Balita: Chie, nagpasaring sa mga 'nangingialam' ng pribadong buhay ng iba

Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon mula kina Chie at Matthew tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, ngunit hindi maikakaila na patuloy silang sinusubaybayan ng publiko, lalo na tuwing may bagong sightings na lumulutang sa social media.