Masayang ipinagdiwang ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 3rd Big Placer na si Esnyr Ranollo ang kaniyang kaarawan matapos niyang magluto at maghanda kasama ang iba pa, para magpakain ng stray dogs at cats sa kalsada.
Sa ibinahaging social media post ni Esnyr nitong Martes, Disyembre 16, mapapanood na sinuyod nina Esnyr ang iba’t ibang kalye at kalsada upang magbigay ng pagkain sa mga askal at pusakal.
“Celebrating my day with them,” saad ni Esnyr sa kaniyang post.
Photo courtesy: Esnyr/FB
Hindi naman napigilan ng netizens na ihayag ang kanilang sentimyento at reaksiyon hinggil sa naturang kawanggawa ni Esnyr.
“Its a feast”
“Parang kailan lang tawang-tawa pa ako sa mga school contents mo noon. Ang layo mo na esnyrrr super fan mo 'ko mula pandemic.”
“Thank you for thinking of the animals sa street huhu”
“IM NOT CRYING ESNYR!!! NO, IM NOOOOTTT”
“More ganto pa po kahit walang celebration”
“kaya kita naging idol eh you are so kindly po”
“Andami mong fur babies na napasaa Esnyr !!!!! Happy happy birthday!!!!!!!”
Bago pa man sumapit ang kaarawan ni Esnyr noong Lunes, Disyembre 15, naging usap-usapan muna ang tila pagiging “late” nito sa set ng pelikulang “Call Me Mother,” na pinagbibidahan ni Unkabogable Star Vice Ganda.
“Si Esnyr daw parang kumakalat sa set na laging late. Late daw ng 45 minutes to 1 hour. Pagdating doon, parang hindi naman daw apologetic. Tapos minsan daw kasama pa ang jowa. [....] May mga production na nagbabawal talaga ng mga kasintahan o ng mga nililigawan sa set. Actually, bawal nga ring magligawan sa set.” saad ng showbiz insider na si Ogie Diaz sa isang episode ng “Showbiz Updates” kamakailan.
MAKI-BALITA: Esnyr, laging late sa set ng ‘Call Me Mother’; nagdadala pa ng jowa?-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA