Nanggaling sa Pilipinas ang dalawang suspek na sangkot sa pamamaril Bondi Beach sa Sydney, Australia noong nakaraang buwan ayon sa Bureau of Immigration (BI).
Ayon sa BI nitong Martes, Disyembre 16, dumating sa Pilipinas ang mag-amang sina Sajid Akram, 50, Naveed Akram, 24, noong Nobyembre 1 galing Sydney.
"Both reported Davao as their final destination," anang BI.
Lumipad palabas ng bansa ang mag-ama noong Nobyembre 28 mula Davao patungong Maynila saka tumuloy sa Sydney bilang huli nilang destinasyon.
“They left the country on November 28, 2025 on a connecting flight from Davao to Manila, with Sydney as their final destination,” dagdag pa ng BI.
Matatandaang pumalo sa 16 na indibidwal ang nasawi sa Bondi Beach dahil sa nasabing insidente noong Linggo, Disyembre 14.
Maki-Balita: 16, patay sa mass shooting ng mag-ama sa Sydney
Kabilang sa nasawi si Sajid habang si Naveed naman ay kritikal sa ospital.
Isa sa tinitingnang anggulo sa pamamaril ay ang antisemitic attack na puntirya ang pananakit at diskriminasyon laban sa mga Jewish.
Samantala, ayon sa embahada ng Pilipinas sa Sydney, wala namang naitalang Pinoy na namatay sa naturang insidente.
Maki-Balita: Mass shooting incident sa Sydney, walang nadamay na mga Pinoy