Ipinag-utos ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa kanilang armed wing na National People’s Army (NPA) ang ceasefire sa mismong araw ng Kapaskuhan at Bagong Taon.
Kaugnay ng deklarasyon ng ceasfire, magiging epektibo ito simula: 12:00 ngg hatinggabi ng Disyembre 25, 2025 hanggang 11:59 ng gabi ng Disyembre 26.
Masusundan ito ng: 12:00 ng hatinggabi ng Disyembre 31 at magtatapos sa 11:59 ng gabi ng Enero 1, 2026.
Ayon sa CPP, babalik raw muna sa “defense mode” ang hanay ng NPA sa kasagsagan ng mga araw na nabanggit.
Paliwanag pa ng CPP, ang pagdedeklara nila ng ceasefire ay pakikiisa raw nila para sa tradisyon ng mga Pilipino.
“This temporary ceasefire order is being issued in solidarity with the Filipino people as they conduct simple celebrations of their traditional holidays, amid grave social and economic conditions,” anang CPP.