December 15, 2025

Home SHOWBIZ

'Thank You Lord!' Ruffa Gutierrez nagpasalamat sa pagbuti ng lagay ni Eddie Gutierrez

'Thank You Lord!' Ruffa Gutierrez nagpasalamat sa pagbuti ng lagay ni Eddie Gutierrez
Photo courtesy: iloveruffag/IG


Nagpasalamat ang aktres na si Ruffa Gutierrez matapos ang pagbuti ng kalagayan ng kaniyang ama na si Eddie Gutierrez.

Kaugnay ito sa pakiusap ni Ruffa sa publiko na ipagdasal ang kaniyang ama dahil ito raw ay sasailalim sa isang medical procedure.

“Please join us in prayer as our dad, Eddie Gutierrez, undergoes his first spinal procedure today in Singapore with Dr. Prem Pillay at the Neuro Spine & Pain Center, Mount Elizabeth Hospital,” saad ni Ruffa sa isang Instagram (IG) post kamakailan.

MAKI-BALITA: Ruffa Gutierrez, umapela ng dasal para sa erpat nilang isasailalim sa operasyon-Balita

Ibinahagi naman niya sa isang social media post noong Linggo, Disyembre 14 ang mga pagbabago sa kalagayan ng kaniyang ama na aniya’y isang milagro.

“It’s been a week since Dad flew to Singapore with Mom and Mond for what we thought was a spinal procedure. Instead, an MRI revealed a serious infection. Everything changed in an instant. Yet in the midst of fear and uncertainty, grace carried us through. In just six days, Dad’s recovery has been nothing short of a miracle,” ani Ruffa.

Kumpara din daw noong Oktubre, mas marami na raw itong nagagawa ngayon tulad ng pagkain, panonood ng basketball, at pagkanta ng mga awitin ng music icon na si Elvis Presley.

“Look at him in October—overwhelmed with pain. And now look at him last night...He’s eating again. His back pain is easing. He’s watching NBA Laker[s] games. He’s singing Elvis Presley songs once more. Thank You, Lord!!!” aniya pa.

Photo courtesy: iloveruffag/IG

Inilahad niya ring uuwi ito sa pagsapit ng holidays, at babalik sa Singapore sa Enero 2026 at Marso 2026 para sa mga isasagawa pang procedure. Aniya, gagawin daw nila ang lahat para kay Eddie.

“Maraming salamat po sa lahat ng nagdasal, tuwawag, nag message and stood with us every step of the way. Mahal na mahal namin kayo. This will be my last update. Mahigpit na yakap sa lahat ng may pinagdadaanan. You are not alone. Hang in there! Have a blessed Sunday!” pagtatapos niya.

Matatandaang ibinahagi naman ng talent manager na si Annabelle Rama kamakailan na hindi muna sila magpa-party sapagkat may sakit ang kaniyang asawa.

“Wala, may sakit asawa ko. Babantayan ko. Wala munang party-party,” saad ni Annabelle sa isang panayam.

MAKI-BALITA: Annabelle Rama, wala planong pumarty sa Pasko; tututukan mister na may sakit!-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA