December 16, 2025

Home BALITA Metro

QCPD, bumuo ng special team para imbestigahan pagkawala ng bride-to-be sa QC

QCPD, bumuo ng special team para imbestigahan pagkawala ng bride-to-be sa QC
Photo courtesy: QCPD, Mark Arjay Reyes (FB)

Bumuo ng special investigation team ang Quezon City Police District (QCPD) para imbestigahan ang pagkawala ng babaeng ikakasal na sana na si Sarah "Sherra" De Juan, na pang-anim na araw nang nawawala nitong Lunes, Disyembre 15.

Ayon sa ulat, sinabi ni QCPD spokesperson PCapt. Febie Madrid na bumuo na sila ng trackers team sa iba't ibang police units para magbigay ng assistance sa Fairview Police Station, na nangunguna sa imbestigasyon sa pagkawala ni De Juan.

Makikita rin ito sa Facebook post ng QCPD, na mababasa sa kanilang opisyal na Facebook page. 

"Bilang tugon sa insidente, agarang bumuo ang QCPD ng isang Special Investigation Team (SIT) upang masusing imbestigahan ang kaso at mapabilis ang pagtunton sa kinaroroonan ni Sherra De Juan."

Metro

Manila Water, Maynilad, raratsada ng dagdag-singil sa 2026

"Ang sinumang may impormasyon na maaaring makatulong sa agarang pagtunton sa kinaroroonan ng biktima ay hinihiling na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya, tumawag sa E911 / QC Helpline 122, o alinman sa mga sumusunod na numero:

0912-3353694

0963-7739049

0997-7396277

0951-7867241

Ayon sa impormasyong nasa ipinamahaging missing poster, huli siyang nakitang North Fairview Petron, Quezon City noong Disyembre 10, 2025. Batay naman sa groom-to-be niyang si Mark Arjay Reyes, nagpaalam ang fiancee na bibili lang ng sapatos na gagamitin niya sa kasal nila, nito sanang Linggo, Disyembre 14.

Nag-alok din ang pamilya ng ₱20,000 reward para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyong makatutulong sa agarang pagkakatagpo kay Sherra.

Lubhang emosyonal naman ang naging pahayag ng fiancé ni Sherra sa isang social media post, na sana ay unang araw na nila bilang mag-asawa.

Iniwan ni Sherra ang cellphone niya sa bahay habang naka-charge, kaya hindi rin siya ma-contact. Reyes upang alamin kung may update na kay De Juan, subalit habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa rin silang lead.

Kaugnay na Balita: #BalitaExclusives: Babaeng ikakasal na sana, ilang araw nang nawawala; fiancé, umapela ng tulong