December 15, 2025

Home BALITA Probinsya

Pulis, namaril ng sundalo sa Zamboanga City; love triangle daw?

Pulis, namaril ng sundalo sa Zamboanga City; love triangle daw?
Photo courtesy: Unsplash

Kritikal ang isang sundalo matapos siyang pasukin at barilin ng pulis sa loob mismo ng apartment niya sa Zamboanga City.

Ayon sa mga ulat, miyembro ng Philippine Air Force ang biktima habang pulis naman mula sa Bangsamoro Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM ang suspek.

Lumalabas sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad na sapilitang pinasok ng suspek ang tinitirhan ng biktima at saka niya ito pinaputukan ng baril. Nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang bahagi ng kaniyang dibdib ang biktima.

Agad siyang naisugod sa ospital, bagama’t nananatili umanong kritikal ang kondsiyon nito. 

Probinsya

Fur mom na nagligtas sa fur babies niya sa sunog, pinarangalan ng Mandaue LGU

Samantala, love triangle ang nakikitang motibo sa pamamaril ng suspek. Isa sa mga tinitingnang anggulo ng mga awtoridad ang  kaugnayan daw ng isang babaeng medical representative na siyang kapuwa interes ng suspek at biktima.

Nagkasa na ng dragnet operations ang Zamboanga City Police Office at iba pang law enforcement units upang matunton ang  kinalalagyan ng suspek na kasalukuyan nang nagtatago matapos ang mabilis na pagtakas mula sa crime scene.