December 15, 2025

Home BALITA Politics

Political scientist sa pagtatago umano ni Bato: 'Napakaduwag!'

Political scientist sa pagtatago umano ni Bato: 'Napakaduwag!'
Photo Courtesy: Cleve Arguelles (FB), via MB

Tila dismayado ang political scientist na si Cleve Arguelles sa kasalukuyang inaasta ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa. 

Sa latest episode ng “Politika All The Way” ng One PH kamakailan, inusisa si Cleve tungkol sa pananw niya sa nasabing senador.

“What do you think of him? Is he right in not presenting himself?” tanong ni Jojo Alejar.

Sagot ni Cleve, “Napakaduwag! [...] I think, may disappointment lang. Of course, he’s a lawmaker. So pangit kapag mambabatas ka tapos tumatakas ka sa batas. That’s just it, e.”

Politics

'Grief and mourning are not the same!' Anak ni Enrile, may napagnilayan sa pagpanaw ng ama

Hindi tuloy naiwasang ikumpara ni Jojo si Sen. Bato kay Mamamayang Liberal (ML) Rep. Leila De Lima.

Aniya, “Si Leila De Lima daw has more balls than [him].”

“Sabi ko nga, we know in Philippine politics medyo may pagkagulong ng palad. Sometimes ikaw ‘yong nasa poder. Sometimes you’re in opposition,” saad ni Cleve.

Dagdag pa ng political scientist, “But the principle and the consistency of character, it shows when out of power ka. So ngayon, out of power si Sen. Bato, hindi nagpapakita. Matapang ba talaga siya o duwag?”

Matatandaang Nobyembre pa nang umugong ang balitang may naghihintay na arrest warrant laban sa kaniya mula sa International Criminal Court (ICC) dahil sa pagkakasangkot sa giyera kontra droga sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa katunayan, nakabantay na umano ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa galaw ng senador ayon sa kalihim nitong si Jonvic Remulla.

“We are monitoring him. Alam namin kung nasaan siya. At hintayin lang namin kung may utos talaga ang korte o wala,” ani Remulla sa panayam ng GTV’s Balitanghali.

Kaugnay na Balita: Lokasyon, galaw ni Sen. Bato, minomonitor ng DILG