December 16, 2025

Home BALITA National

PH govt, pinag-aaralan paghingi ng tulong sa UNCAC para maaresto si Zaldy Co

PH govt, pinag-aaralan paghingi ng tulong sa UNCAC para maaresto si Zaldy Co
RTVM/YT, Zaldy Co/FB

Pinag-aaralan na ng Pamahalaan ng Pilipinas ang paghingi ng tulong sa United Nations Convention Against Corruption (UNCAC) upang mahanap at maaresto si dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.

Sa isinagawang press briefing nitong Lunes, Disyembre 15, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary and Palace Press Officer Claire Castro na maingat na pinag-aaralan ng gobyerno ang hakbang na ito habang patuloy ang pagtugis sa dating mambabatas. 

Aniya, nakausap na raw nila ang Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Justice (DOJ), at Department of the Interior and Local Government (DILG) kaugnay sa naturang hakbang. 

Binanggit din ni Castro ang naging pahayag ni DFA Secretary Ma. Theresa Lozaro, "Yes, we can explore UNCAC as it has international cooperation mechanisms, but it will have to depend on the country. Countries are obliged to provide, as applicable and in accord with domestic law, [the] widest possible mutual legal assistance to each other.”

National

'Wag kayong gagaya!' Sec. Dizon, binalaan mga bagong District Engr., sa Bulacan

Dagdag pa ng press officer wala pang aktibong ugnayan sa pagitan ng DOJ sa UNCAC.

Sa parte naman ng DILG, "Mula naman po kay Sec. Jonvic, sinabi po niya, 'The matter has been referred to the Commission for transnational crimes. I am certain that the option mentioned by Senator Ping is part of the agenda."

Matatandaang sinabi ni ni Senate President Pro Tempore Panfilo "Ping" Lacson noong Sabado, Disyembre 13, na maaaring pag-aralan ng pamahalaan naturang anti-corruption convention. 

Ani Lacson, ang UNCAC, na inaprubahan noong 2003 at pinagtibay ng Senado noong 2006, ay isang legal at umiiral na kasunduang pandaigdig na nagbibigay ng balangkas para sa kooperasyon ng mga bansa laban sa korapsyon.

“Isa pang hindi pa explore ng national government, tayo signatory among 191 other countries in the whole world, may UN Anti-Corruption agreement among different countries. Imagine 192 countries. Kung the Philippine government will tap the resources of 191 other countries, you can just imagine gaano kalawak ang maaabot para ma-locate at mahuli si Zaldy Co,” ani Lacson sa isang panayam sa DWIZ radio.

Samantala, sa parehong press briefing, naniniwala ang Palasyo na matutupad ang pangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makukulong ang mga personalidad na may kinalaman sa flood control scam sa bansa, bago sumapit ang Kapaskuhan.

Maki-Balita: 10 araw bago ang Pasko: Palasyo, pinanindigan ang pangako ni PBBM na may makukulong sa isyu ng korapsyon