December 15, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Nabunutan ng tinik! Aljur, masayang 'malaya' na mga anak nila ni AJ

Nabunutan ng tinik! Aljur, masayang 'malaya' na mga anak nila ni AJ
Photo courtesy: AJ Raval/IG

Masaya raw ang Kapamilya actor na si Aljur Abrenica sa mga natatanggap niyang blessing simula pa noong Enero 2025, batay sa panayam sa kaniya ni ABS-CBN showbiz news reporter MJ Felipe.

Unang pinasalamatan ni Aljur ang co-star at direktor ng action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo na si Coco Martin dahil sa trabahong ibinigay sa kaniya, bilang bahagi ng serye.

Sunod na binanggit ni Aljur na tila "nabunutan na siya ng tinik" matapos ang pagsisiwalat ng partner na si AJ Raval, tungkol sa mga anak nila.

"Nabunutan na tayo ng tinik, 'yong pamilya ko eh... hindi na kami nangangambang lumabas, hindi nagtatago, 'yon naman po 'yong pinagpapasalamat ko sa Panginoon, na nabigyan ng kalayaan 'yong mga bata para maging masaya sila," aniya.

Tsika at Intriga

Galit na lumayas! Claudine at utol ni Korina, naghiwalay dahil sa kasambahay?

Ipinagmamalaki naman ni Aljur ang bonding moments nila ng mga anak at mommy nilang si AJ sa bahay nila.

Matatandaang inamin ni AJ sa "Fast Talk with Boy Abunda" na may tatlo na silang anak ni Aljur, at may nauna pa siyang dalawang anak, kaya lima na ang anak nila sa kabuuan.

Kaugnay na Balita: Dalawa sa iba, tatlo kay Aljur: AJ Raval, umaming nakalimang anak na!

Kaugnay na Balita: 'Not just 1, not just 2, but 3!' AJ umamin na, nakatatlong anak na kay Aljur!