December 16, 2025

Home BALITA Internasyonal

Mass shooting incident sa Sydney, walang nadamay na mga Pinoy

Mass shooting incident sa Sydney, walang nadamay na mga Pinoy
Photo courtesy: Philippine Consulate General in Sydney NSW (FB), BALITA FILE PHOTO

Walang mga Pilipinong napaulat na nadamay sa nangyaring mass shooting incident ng mag-ama sa Bondi Beach sa Sydney, Australia noong Linggo, Disyembre 14. 

Ayon sa inilabas na pahayag ng Philippine Consulate General in Sydney NSW nitong Lunes, Disyembre 15, sinabi nilang walang nadamay na mga Pinoy sa nasabing mass shooting incident sa ginanap na Hanukkah community event ng mga Jewish sa Bondi Beach, Sydney, Australia at nagpaabot sila ng pakikiramay para sa mga kaanak ng mga biktimang nasawi. 

“The Philippine Consulate General in Sydney conveys its deepest condolences to the families of those who lost their lives, to all who were injured, and to the communities affected by the terror attack in Bondi during a Hanukkah community event on 14 December 2025,” pagsisimula nila. 

Nakipag-ugnayan na rin sila sa New South Wales Police Protection Unit at sinabi nitong walang naitalang mga Pilipino ang nadamay at nasaktan sa nasabing insidente. 

Internasyonal

16, patay sa mass shooting ng mag-ama sa Sydney

“The Consulate has coordinated with the New South Wales Police Protection Operations Unit, which advised that, as of this time, there are no indications that Filipino nationals are among the confirmed fatalities or injured,” anila. 

Pinayuhan din nila ang mga Pilipino sa nasabing bansa na bantayan ang mga nangyayari sa kanilang komunidad at sumunod sa mga awtoridad. 

“The Consulate strongly urges members of the Filipino community to remain vigilant and to follow the guidance of New South Wales Police and emergency services,” saad nila. 

“For emergency concerns and urgent consular assistance needs directly arising from this incident, please contact the Consulate's Assistance to Nationals Hotline at +61 481 728 027,” pagtatapos pa nila.

Aabot sa kabuuang 16 ang bilang ng mga nasawi sa naganap na mass shooting incident ng mag-ama sa noong Linggo, Disyembre 14, 2025, Bondi Beach sa Sydney, Australia. 

KAUGNAY NA BALITA: 16, patay sa mass shooting ng mag-ama sa Sydney

Sinasabing tumagal nang 10 minuto ang pamamaril ng 50 anyos at 24 anyos na mag-amang suspek sa Bondi Beach kung saan naitalang aabot sa 1000 na mga tao ang nagsidalo para makiisa sa kanilang event.

Habang 15 naman ang naiulat na nasawing mga biktima na bababa sa 10 anyos na gulang ang pinakabata at 87 naman ang pinakamatanda.

Samantala, kasamang nasawi ang 50 anyos na suspek sa pamamaril sa mismong pinangyarihan ng insidente habang kritikal sa hospital ang 24 anyos nitong anak.

Mc Vincent Mirabuna/Balita