December 16, 2025

Home BALITA Metro

Manila Water, Maynilad, raratsada ng dagdag-singil sa 2026

Manila Water, Maynilad, raratsada ng dagdag-singil sa 2026

Nakatakdang ikakasa ng Maynilad Water Services Inc., at Manila Water Co. ang dagdag-singil sa kanilang mga customer pagpasok ng Enero 2026.

Paliwanag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa  kanilang press conference nitong Lunes, Disyembre 15, 2025, ang dagdag-singil ay kaugnay umano ng rate-rebasing adjustments na nagsimula pa noong 2023.

"Just to give you a background about the rate rebasing in 2022... [The] rebasing was approved way back in 2022. This was effective 2023, 2024, and 2025 we had the third tranche. The next tranche is [the fourth tranche] for 2026," ani MWSS chief regulator Patric Lester Ty.

Para sa itataas sa buwanang singil sa Maynilad:

Metro

Grupong ‘LABAN TNVS,’ maghahain ng petisyon kontra multa sa cancelled bookings

Ang mga customer ng Maynilad na kumokonsumo ng 10 cubic meter (cu.m.) o mas mababa ay makakaranas ng ₱5.06 na monthly increase, kaya naman papalo ng hanggang ₱187.06 ang kanilang monthly bill.

Para naman sa mga gumagamit ng 20 cu.m. ay ₱19.06 ang papatong na singilin sa kanila, kaya aabot sa suma-total na ₱703.31 ang kanilang monthly bill, habang ang mga residenteng may konsumo na 30 cu.m. ay makakakita ng ₱39.04 na dagdag sa kanilang bayarin sa tubig, na aabot sa ₱1,436.98 sa kabuuang monthly bill.

Para sa mga consumer ng Manila Water:

Samantala, haharap sa mas mataas na singil sa tubig ang mga customer ng Manila Water sa East Zone, na pangunahing dulot ng pagtaas ng environmental charge. 

Ang mga kumokonsumo ng 10 cubic meter (cu.m.) ay makakaranas ng ₱29.86 na dagdag, mula ₱253.85 ay magiging ₱283.71. Para sa mga residenteng kumokonsumo ng 20 cu.m., tataas ang bayarin ng ₱66.25 hanggang ₱627.54, habang ang mga gumagamit ng 30 cu.m. ay makakakita ng ₱135.22 na pagtaas, na aabot sa ₱1,279.51.

Saad pa ni Ty, makakatulong daw sa Maynilad at Manila Water ang taas-singil upang matugunan nila ang kani-kanilang sewer coverage programs.

"The reason for this is that we are encouraging, we are trying to push Manila Water and Maynilad to fast track their sewer coverage programs... to help clean the environment because this has been the problem for the past 28 years," saad ni Ty.