December 15, 2025

Home BALITA National

Libong infrastructure project na hindi maimplementa, may epekto sa pagbagsak ng ekonomiya—DPWH Sec. Dizon

Libong infrastructure project na hindi maimplementa, may epekto sa pagbagsak ng ekonomiya—DPWH Sec. Dizon
Photo courtesy: Senate of the Philippines, MB FILE PHOTO

Ipinaliwanag ni Department of Public Works at Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon na maaaring magkaroon ng malaking epekto ang mga infrastructure projects na hindi maiimplenta sa growth rate ng ekonomiya sa bansa. 

Ayon sa naging panayam ng mamamahayag na si Karen Davila sa Hot Line kay Dizon nitong Lunes, Disyembre 15, diretsang sinang-ayunan ni Dizon ang tanong ng mamamahayag kaugnay sa epekto ng maaaring mawalang libo-libong proyekto ng DPWH para sa imprastraktura sa pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas. 

“The economic growth right now is four percent (4%). Technically speaking, there is nothing wrong with infrastructure projects if it is spent for infrastructure. If these projects, if you take out 45 billion [pesos] and ten thousand projects are affected, will it actually affect the economic growth as well?” tanong ni Davila. 

Hindi tumanggi si Dizon sa posibilidad na ito at sinabi niyang iyon ang sinubukan niyang ipaliwanag sa pagdalo sa bicameral conference committee meeting noong Linggo, Disyembre 14, 2025. 

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

“If the projects end up being unimplementable or only partially implementable across thousands of projects all over the country then absolutely yes,” sagot niya. 

Pahabol pa niya, “I tried to explain that to the bicameral conference committee last night.” 

Ani Dizon, may epekto ang kabawasang iyon sa pondo ng DPWH para sa mga bilang ng nagtatrabaho sa kanila, mababawasan ang pagbili ng semento, at bakal para sa hindi magagawang mga imprastraktura. 

“May epekto po ‘yan because that affects jobs, that affects the number of people employed, that affects the economic activity generated by these infrastructure projects, ‘yong dami ng semento na bibilhin, ‘yong dami ng bakal na bibilhin,” paliwanag niya. 

“Lahat po ‘yan maapektuhan. ‘Yon lang po ang kailangan naming ipaabot sa ating mga senador at kongresista,” pagtatapos pa niya. 

MAKI-BALITA: 'Tinapyasang budget, pinababalik!' DPWH Sec. Dizon, nagpaliwanag sa bicam panel

MAKI-BALITA: DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Mc Vincent Mirabuna/Balita