January 25, 2026

Home SHOWBIZ

Joross, naniniwalang malapit nang magunaw ang mundo

Joross, naniniwalang malapit nang magunaw ang mundo
Photo Courtesy: Joross Gamboa (IG), Freepik

Ibinahagi ng aktor na si Joross Gamboa ang pagkahumaling niya sa Eschatology o pag-aaral sa wakas ng sangkatauhan, na isang hudyat sa muling pagdating ni Hesu-Kristo sa mundo.

Sa latest episode ng “Toni Talks” noong Linggo, Disyembre 14, inusisa si Joross kung bakit siya nagkaroon ng fascination sa konsepto ng end of times.

“Bakit ka na-fascinate sa end of times,” tanong sa kaniya ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga.

Sagot ni Joross, “[Kasi] naniniwala ako malapit na. I mean, for example, nasaksihan ko ‘yong simula ng pagkatuyo ng Euphrates River. [...] Mga prophecy.”

Tsika at Intriga

Sen. Win Gatchalian, pasimpleng kinumpirma hiwalayan nila ni Bianca Manalo?

“Kapag nanonood ka ng news, tapos nagbabasa ka ng Bible, nagiging align,” dugtong pa niya.

Ayon kay Joross, nagsimula umano ang pagkahumaling niya sa katapusan ng mundo noong 2023 

“Do’n ako napunta ta’s nagkaroon ako ng mga pinapakinggan. Natuto akong magbasa ng Bibile [through audio book]. Una, makikinig lang ako. Ta’s kung ano ‘yong dini-discuss, dine-discern ko na,” anang aktor.

Dagdag pa niya, “No’ng nagbasa ako nang nagbasa ako ng Bible, mas parang naintindihan ko na ‘yong Gospel.”

Matatandaang nakatapos si Joross ng AB Biblical Studies sa Global Life University (GLU) noong Hunyo 2025.

Maki-Balita: Joross Gamboa, ibinidang nakatapos ng AB Biblical Studies