December 15, 2025

Home BALITA

Italian Republic Ambassador, nag-courtesy call kay VP Sara

Italian Republic Ambassador, nag-courtesy call kay VP Sara
Photo Courtesy: Sara Duterte (FB)

Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte ang pagbisita sa kaniyang opisina ng ambassador ng Italian Republic sa Pilipinas na si si H.E. Davide Giglio.

Sa latest Facebook post ni VP Sara nitong Lunes, Disyembre 15, sinabi niyang nagpaabot umano si Giglio ng simpatya sa mga Pilipinong naapektuhan ng sunod-sunod na baha at lindol sa bansa.

Kaya naman nahagip din ng kanilang usapan ang kahalagahan ng paghahanda sa pagdating ng ganitong klaseng sakuna.

Bukod dito, nagpasalamat din ang Bise Presidente sa pagpapahalaga ng Italya sa mga OFW na kasalukuyang nagtatrabaho sa naturang bansa.

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

Aniya, “Ninanais namin ang mas malalim na ugnayan at pagkakaibigan ng ating mga bansa. Naniniwala tayo na mahalaga ito sa pagpapanatili ng kapayapaan, pagpapayabong ng ekonomiya at kaligtasan para sa ating mga kababayan sa labas ng bansa.”

“Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino,” pahabol pa ni VP Sara.