December 16, 2025

Home SHOWBIZ

Empleyado nina TJ, KZ pumaldo; nagbigay ng tig-₱100k na papasko

Empleyado nina TJ, KZ pumaldo; nagbigay ng tig-₱100k na papasko
Photo Courtesy: Screenshots from TJ Monterde (IG)

Nakatanggap ng paldong pamasko mula sa mag-asawang singer-songwriter na sina TJ Monterde at KZ Tandingan ang kanilang mga empleyado sa kanilang ginanap na Christmas party.

Sa latest Instagram post ni TJ kamakailan, mapapanood ang video ng pagsorpresa ng mag-asawa sa mga empleyado nilang bahagi ng “Sarili Nating Mundo” world tour.

Inumpisahan ni TJ ang sorpresa sa pag-anunsiyo na magkakaroon ng pitong winners ng ₱5,000; limang winners ng ₱10,000; tatlong winners ng ₱20,000, dalawang winners ng ₱50,000,at isang winner ng ₱100,000.

Matapos ito, sumegunda si KZ para magbigay ng instruction sa dapat gawin sa scratch card na ibibigay niya sa kanila.

Pokwang, inaming utol ang nanapak sa amang nagkakariton

“Nasa loob [ng ampao] ‘yong scratch card pero ‘pag nakuha n’yo na, huwag n’yo munang i-scratch. Sabay-sabay tayo,” saad ni KZ.

Pero laking gulat ng buong team nang matuklasan nilang 100,000 lahat ng nakasulat sa nakuha nilang scratch card.

“Wait sino nakakuha ng ₱100,000?” tanong ni KZ. Nagsitaasan ang lahat ng kamay. 

Tanong tuloy ng isa, “Mali ba?”

Pero sabi ni TJ, “Guys, happy SNM 40!”

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Naiyak ako huyyy!!! Solid kayo!!!!! Huhuhu sobrang galing!! "

"Ang ingay mo jen!! Hahahahaha saya!!! Thank you KZ and TJ and congrats to the whole SNM Team! "

"Hindi ako yung nanalo pero bakit ako nakikiiyak?! Da best kamu, @tjmusicmonterde @kztandingan "

"Napaka bait niyo talaga kaya biniblessed talaga kayo ni Lord "

"I LOVE ALL THEIR GENUINE REACTION!!! WALA AKONG 100K PERO NAIYAK AKO!!! HAHAHAHAHA CONGRATULATIONS EVERYONE!!!!! "

"Grabeee yorn apaka blessed "

"Nakakaiyak naman!!! Very well deserved everyone!!!! In Between Tour naman sana next year "

"Naiiyak din ako sa tuwa! DASURV nyo lahat guys! "

Samantala, matapos ang tagumpay ng “Sarili Nating Mundo,” nakatakdang bumalik sina TJ at KZ para sa “In Between,” isang four-night concert na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum mula Pebrero 6-9, 2026.