December 16, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Binuking ni Kylie: Aljur, 20% ambag sa co-parenting set up

Binuking ni Kylie: Aljur, 20% ambag sa co-parenting set up
Photo Courtesy: Aljur Abrenica (FB), Screenshot from YoüLOL (YT)

Isiniwalat ni Kapuso actress Kylie Padilla ang porsiyento ng partehan nila sa co-parenting set up ng estranged husband niyang si Aljur Abrenica.

Sa latest episode kasi ng “Your Honor” kamakailan, napag-usapan ang depinisyon ng co-parenting.

“Co-parenting, sa pagkakaintindi ko, 100-100 [ang bigayan],” saad ni ‘Your Honor’ host Chariz Solomon. “Hindi hati. Give your best, I give my best. You be a parent—physically, mentally, emotinally, lahat ng ‘ly’”

“E, pa’no kung 80% ikaw ‘yong parent? “ tanong ni Kylie. “Ako ‘yong 80%, siya 20 lang.”

Relasyon at Hiwalayan

Aljur, pinag-ingat si Kylie sa mga magiging manliligaw

Dagdag pa niya, “Co-parenting pa rin kami, what I mean to say is, sa akin ‘yong kids 80% of the time. Pero financial, 80% ako rin. So co-parenting pa rin naman ‘yon.”

Minsan nang pinutakti ng bashers si Aljur noong Agosto 2023 dahil sa paratang na mas inuna pa raw ang jowang si AJ Raval kaysa sa anak nitong nagdiwang ng kaarawan.

Maki-Balita: Aljur tinusta ng bashers dahil sa b-day ng anak, mas inuuna pa raw si AJ

Pero sa kasalukuyan, tila naayos na ang gusot sa pagitan nina Kylie, Aljur, at AJ. Sa katunayan, sinabi ni Kylie sa isang post niya kamakailan na masaya siyang hindi na kailangang magtago ng dalawa.

Maki-Balita: Kylie sa 'anak issue' nina AJ at Aljur: 'Matagal ko na alam, happy that now di na kailangan magtago!'

Ito ay matapos aminin ni AJ sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” na may tatlong anak na sila ni Aljur.

KAUGNAY NA BALITA: 'Not just 1, not just 2, but 3!' AJ umamin na, nakatatlong anak na kay Aljur!

Matatandaang noong Hulyo 2021, nagulantang ang mundo ng showbiz nang maghiwalay sina Aljur at Kylie.

Kalaunan ay pinaghinalaang isyu ng third party ang ugat ng hiwalayan matapos maispatan sina AJ at Aljur na naglalakad sa isang mall habang maghawak ng kamay.

Nilinaw naman ni Kylie na walang kinalaman si AJ sa nasirang relasyon nila ni Aljur, matapos batikusin ng mga netizen ang Vivamax star at akusahang "kabit" at "third party."