December 16, 2025

Home BALITA

Amain, arestado matapos umanong halayin 11-anyos na stepdaughter

Amain, arestado matapos umanong halayin 11-anyos na stepdaughter
Photo courtesy: CIDG


Tiklo ang isang 32-anyos na lalaki matapos umano niyang halayin ang kaniyang 11-anyos na stepdaughter, sa isinagawang manhunt operation ng awtoridad sa Brgy. 167, Caloocan City kamakailan.

Sa ibinahaging ulat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Lunes, Disyembre 15, ang naarestong suspek ay nakatala bilang Rank 5 Regional Most Wanted Person (MWP) ng Negros Island Region (NIR), Rank 7 Provincial MWP ng Negros Occidental, at Rank 1 Municipal MWP ng Bago City.

Ayon sa awtoridad, inakusahan ang suspek sa panghahalay sa kaniyang 11-anyos na stepdaughter noong Seytembre 2025, sa kanilang tirahan sa Purok Kamotehan, Sitio Najaba, Barangay Bacong‑Montilla, Bago City, Negros Occidental.

Napag-alamang ding isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Jeddah, Saudi Arabia ang ina ng biktima—kung kaya’t lola nito ang tumulong sa kaniya upang magsampa ng reklamo.

Matapos matunugan ang kahaharaping kaso, dali-dali raw na nilisan ng suspek ang lalawigan, hanggang sa tuluyan na itong natunton sa Caloocan City.

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak



Naaresto ang suspek sa bisa ng warrants of arrest para sa kasong Qualified Rape of a Minor under Art 266-A (1) of Revised Penal Code (RPC) in relation to Republic Act No. 8353 (3 counts), at Acts of Lasciviousness under Art 336 of RPC in relation to Section 5(b) of Republic Act 7610 (2 counts), na inisyu sa Bago City, Negros Occidental noong Disyembre 3.

Vincent Gutierrez/BALITA