Bilang love advice, pinag-ingat ng aktor na si Aljur Abrenica ang dating asawa at Kapuso actress na si Kylie Padilla sa mga papasok sa buhay niya bilang manliligaw kamakailan.
Sa latest episode ng podcast nina Chariz Solomon at Buboy Villar na “Your Honor,” noong Sabado, Disyembre 13, ikinuwento ni Kylie ang naging daloy ng usapan nila ni Aljur noong pinasyal nila mga anak nila sa isang circus show noong Agosto.
“Dumaan lang [‘yong conversation]. Di ko alam kung nagtanong siya or I brought it up, I don’t know. Parang sinabi lang niya na, ‘oh, mag-ingat ka sa mga manlilligaw mo ah. Kasi alam niya single ako eh. Tas may nabanggit ako na manliligaw, nagbigay siya ng opinyon,” ani
Nang tanungin ni Chariz kung ano ang naging reaksyon ni Kylie, kung natuwa ba siya dahil “he still cares,” ipinagkibit-balikat lang ito ni Kylie.
“Okay lang. Okay. Wala naman akong say sa life so siguro naman,” casual na saad ng aktres.
Gayunpaman, may point pa rin naman daw ang naging advice ng dating asawa.
Noon daw mga panahon na ‘yon, masaya si Kylie na nakapag-usap raw sila na parang mag-tropa.
“Dati kasi ‘yong relationship namin, naghihiwalay kami tas nagbabalikan. Naging friends kami during that time. Naging mag-tropa talaga kami. ‘Yon ‘yong nawala, na sad. Kasi mahirap nang i-pop ‘yon. Pero no’ng nag-circus kami, lumabas ‘yong bond namin na ganoon. Ngayon, hindi na masyado, no’ng nag-circus lang kami,” paglilinaw ni Kylie.
Masaya ring ibinahagi ni Kylie na close ang mga anak niya sa aktres na si AJ Raval, na kasalukuyang partner ni Aljur.
“Ever since naman okay sila. Welcoming naman si AJ kasi nanay rin siya diba? Naririnig ko nga lagi silang nagyayakapan, naglalambingan din. Gusto ko ‘yon kasi the more love my kids can get from people who love them authentically, go. Para maramdaman nila na buo pa rin sila,” saad ni Kylie.
MAKI-BALITA: Kylie sa 'anak issue' nina AJ at Aljur: 'Matagal ko na alam, happy that now di na kailangan magtago!'
Sean Antonio/BALITA