Ngayong napipinto na ang pagsapit ng Pasko, isa sa mga pangunahing hamon para sa mga Pilipino ang mag-budget para sa kanilang magiging Noche Buena sa paraang tipid at abot kaya.
Ngunit ano-ano nga ba ang putaheng swak at maaaring ihanda sa hapag para sa inaasam na munting Noche Buena kasama ang pamilya sa Pasko?
Ayon sa bagong video na ibinahagi ng content creator at vlogger na si Ninong Ry sa kaniyang YouTube account noong Disyembre 13, 2025, naglatag siya ng walong putahe na maaaring lutuin sa darating na Pasko kung saan gagastos lang ng humigit-kumulang ₱1,500.
Narito ang listahan ng mga putaheng inirekomendo ni Ninong Ry sa kaniyang naturang video:
ROASTED CHICKEN HAMONADO
Sa Roasted Chicken Hamonado, aabot sa ₱330 ang paggawa nito. Narito ang listahan ng mga sangkap na kailangang bilhin:
₱285 isang buong manok
₱45 crushed pineapple
Habang kakailanganin din ng asukal, toyo, asin, at paminta sa nasabing putahe na ayon na rin kay Ninong Ry, maaaring mayroon na rin nito sa mga bahay ng bawat pamilya. .
SHANGHAI NA ISDA
Kasunod naman ang Shanghai na isda kung saan maaari lang gumastos ng aabot sa ₱295 para makagawa ng putaheng ito. Narito ang mga sangkap:
₱23 wrapper
₱75 ½ na kinayod na isda
₱18 carrots
₱8 sibuyas
₱7 bawang
₱164 mantika
Dagdag pa rito, maaari ring gamitin ang kabuuan ng mantika para sa pagluluto ng iba pang mga putahe.
BUKO PIE
Sa Buko Pie, maaari makagawa nito na aabot lang sa ₱109.5 ang gastos. Narito ang mga sangkap na kailangang bilhin.
₱40 na Buko
₱60 na tasty na tinapay
₱9.50 na itlog
Mantika
BUDGET LAING
Sa budget Laing, maaaring makagawa nito sa aabot na ₱152 na halaga. Narito ang mga kailangang bilhin:
₱30 na Kangkong
₱20 na Labahita
₱7 bawang
₱15 luya
₱80 na gata ng niyog
BAKED MACARONI
Isa rin sa mga napapanahong putahe para sa Noche Buena ang Baked Macaroni na maaari lang gumastos ng ₱248. Narito ang mga sangkap na kailangang bilhin:
₱30 macaroni
₱85 Giniling karneng baboy
₱32 Hotdog
₱22 tomato paste
₱15 banana catsup
₱10 sibuyas
₱7 bawang
₱22 evaporada milk
₱10 margarine
₱15 na all purpose flour
TILAPIA ESCABECHE
Kasunod ang Tilapia Escabeche na abot-kaya sa halagang ₱183. Heto ang mga kailangang bilhin:
₱135 Tilapia
₱15 banana catsup
₱10 luya
₱10 sibuyas
Asukal
Suka
₱13 cornstarch
BEEF MISONO
Maaari ring idagdag sa menu ang Beef Misono na abot-kaya sa halagang ₱232. Heto ang mga sangkap na kailangang bilhin:
₱150 beef sukiyaki
₱40 repolyo
₱10 sibuyas
₱7 bawang
₱25 toge
PALITAW
Panghuli, hindi mawawala sa hapag kainan ang mga pahimagas at kakanin. Puwedeng gumawa ng Palitaw sa halagang ₱104. Heto lang ang mga kailangan:
₱42 ng glutinous rice flour
Sapal ng niyog na piniga para sa gata ng Laing na maaari mong mahingi sa palengkeng binilhan.
₱10 sesame seeds
₱52 na dahon ng saging kung bibili sa palengke depende kung wala kang makukunan nito.
Kung pagsasama-samahin ang mga kabuuang gastos sa lahat ng mga sangkap na kakailanganin para sa walong putahe, aabot lamang ito sa humigit ₱1,500.
Dagdag pa ni Ninong Ry, kakasya na umano ang mga nasabing putahe para sa lima hanggang pitong miyembro bawat pamilya.
Ani Ninong Ry, makakatulong daw ang ideya na ito para sa Noche Buena kung may budget ka man o wala.
“Sana itong ginagawa namin ay nakakatulong sa inyo. Kung saka-sakali namang may budget ka may budget ka sa pasko, it doesn’t hurt na gamitin pa rin itong mga technique na ito, itong mga ideas na ito,” pagtatapos pa niya.
Samantala, kasalukuyan na ngayong may mahigit 560K views ang naturang video ni Ninong Ry sa kaniyang YouTube.
Mc Vincent Mirabuna/Balita