December 15, 2025

Home BALITA Metro

2 kawatang nagtangkang tangayin motorsiklo ng isang pulis, timbog!

2 kawatang nagtangkang tangayin motorsiklo ng isang pulis, timbog!

Sa kulungan ang bagsak ng dalawang kawatang nagtangkang matangay ang motorsiklong pagmamay-ari pala ng isang pulis sa Cubao, Quezon City.

Ayon sa mga ulat, iniwan ng dalawang pulis ang kani-kanilang motorsiklo upang magpatrolya sa kahabaan ng Aurora Boulevard. Makailang sandali pa, dumating na ang dalawang suspek upang isagawa ang pagnanakaw.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, posible raw na isang screwdriver ang ginamit ng mga suspek upang mapaandar ang motorsiklo ng isang pulis.

Mismong ang pulis daw kasi ang nakakita sa dalawang suspek sa aktong pagtangay sa kaniyang motorsiklo kung saan bahagya nang napaandar ng isa sa mga suspek ang makina at akma raw na haharurot na.

Metro

Manila Water, Maynilad, raratsada ng dagdag-singil sa 2026

Mabilis namang nakaaksyon ang biniktimang pulis at natimbog ang mga suspek.

Narekober sa kanila ang isang screwdriver na hinihinalang ginamit ng mga suspek sa pagnanakaw at isa umanong dinamita.

Napag-alaman ding hindi raw iyon ang unang beses na nagkaroon ng record na pagnanakaw ang isa sa mga suspek. Kasalukuyan na silang nasa kustodiya ng pulisya.