Aabot sa kabuuang 16 ang bilang ng mga nasawi sa naganap na mass shooting incident ng mag-ama sa Sydney, Australia.
Ayon sa Australian reports nitong Lunes, Disyembre 15, naganap ang malagim na insidente noong Linggo, Disyembre 14, 2025 sa ginanap na event ng mga Jewish sa Bondi Beach, Sydney, Australia.
Tumagal umano sa 10 minuto ang pamamaril ng 50 anyos at 24 anyos na mag-amang suspek sa Bondi Beach kung saan naitalang aabot sa 1000 na mga tao ang nagdalo para makiisa sa kanilang event.
Habang 15 naman naiulat na nasawing mga biktima na bababa sa 10 anyos na gulang ang pinakangbata at 87 naman ang pinakamatanda.
Isa sa tinitingnan dahilan ng nasabing insidente ang antisemitic attack na pumupuntirya sa pananakit at diskriminasyon para sa mga Jewish.
Samantala, kasamang nasawi ang 50 anyos na suspek sa pamamaril sa mismong pinangyarihan ng insidente habang kritikal sa hospital ang 24 anyos nitong anak.
Matapos nito, personal na bisita ng Australia's Prime Minister na si Anthony Albanese noong Lunes sa Sydney, Australia, ang pinangyarihan ng mass shooting at sinabi niyang akto ng terorismo ang nasabing pamamaril sa kilalang beach sa kanilang lugar.
“What we saw yesterday was an act of pure evil, an act of antisemitism, an act of terrorism on our shores in an iconic Australian location,” aniya.
Dagdag pa niya, “The Jewish community are hurting today. Today, all Australians wrap our arms around them and say, we stand with you. We will do whatever is necessary to stamp out antisemitism. It is a scourge, and we will eradicate it together.”
Bukod pa rito, nagpaabot na rin ng pakikisimpatya ang Pangulo ng United States of America na si Donald Trump kaugnay sa hindi inaasahang insidente.
Mc Vincent Mirabuna/Balita