December 15, 2025

Home SHOWBIZ

'Sobra-sobra ang tulong!' PA ni Jinkee, itinangging 'di sinuportahan ni Manny si Eman

'Sobra-sobra ang tulong!' PA ni Jinkee, itinangging 'di sinuportahan ni Manny si Eman
Photo courtesy: Eman Bacosa Pacquiao/FB


Nagsalita ang personal assistant (PA) ni Jinkee Pacquiao na si Malou Masangkay kaugnay sa usap-usapang hindi raw nagbigay ng suporta ang dating senador at Pambansang Kamao na si Manny “Pacman” Pacquiao sa kaniyang anak na si Eman Bacosa.


Sa isang social media post na ibinahagi ni Malou kamakailan, sinabi niyang isa raw siya sa mga nakasaksi kung paano ipamahagi ni Jinkee at Manny ang kanilang suporta para kay Emman.

“Ako talaga isa ako na maka witness kasi  P.A ako ni madam for how many years Kong tulong Ang pag uusapan subra subra Ang tulong ni sir manny at madam Jinkee Kay Emman  piano shopping ni sir manny c kasama ng kapatid ni emman halos halos sila nag shopping  damait sapatos Kong Anong gusto ni emman,” saad ni Malou.

Giit pa niya, hindi pinabayaan ng pambansang kamao ang anak nito, at humiling na huwag itong husgahan sapagkat hindi naman daw kailangang ipakita pa sa social media ang tulong na ibinigay nito.

“isa ako sa magpa ttoo  na Kong tulong lang pag usapan kahit kailan di pinabayaan ni sir manny Ang anak niyan c emman  sana nmn po wag po kayu mang husga or husgahan man sila alam ko na nakapabait ng mag asawa Kong sa iba nga tumulong sila di nmn cgro Kailangan pa na ipa social media Kong Ano man Ang naitulong Nila sir manny at madam Jinkee Kay emman,,,” aniya pa. “Ikaw nmn sana emman alam mo sa sarili mo Kong gaano ka kamahal ng daddy mo !mahal na mahal ka ng daddy mo alam mo yan!”

Kalakip nito ang isang post mula sa “Showbiz Updates” kung saan makikitang ipinag-shopping ng mag-asawang Dra. Vicky Belo at Dr. Hayden Kho si Eman.

Photo courtesy: Malou Masangkay/FB

Komento naman ng netizens, wala naman daw sinabi si Eman na hindi siya sinuportahan ng kaniyang ama—bashers lang daw ang mga nagsasabi nito.

“Sa lahat ng interview ni Emman,wala syang sinabi na masama against sa kanyang daddy Manny at kay Jinkee Pacquiao .Mga bashers lang feeling mang bash lang talaga.Kay maam Jinkee mabait yan,biro mo kung gaano ka sakit sa kanya ang magkaroon ang asawa ng anak sa ibang babae, pero tapos na yan,naka move on na sila.Pero kung may mag sponsor man kay Emman ng kahit anong gamit o bagay walang masama doon,salamat pa rin kina doc Vicky at Hayden.hehe…”

“Sa mga interview ni Eman wala syang sinasabing masama about sa kanyang daddy..Dina nya kasalanan na may mga taong gustong magbigay ng blessings sa kanya,..Deserved nya yun…”

“Ang mga tao lang sa social media gumagawa ng issue para pang content..Sabi ni Eman kapag may mga bashers,..GOD BLESS”

“Kalabanan man gud sa mga humuhusga ate,is yung mga taong walang alam sa totoong kwento ng buhay nilang mag ama…kung alam lang nila gaano ka bait ang mag asawa na yan”

“Eman never badmouthed Manny and Jinkee. He mentioned in a recent interview that bashers are like that, even if they only see one clip, they immediately judge without knowing the truth. As long as Daddy and I are okay, he supports me in my career. As for my Aunt Jinkee, she calls me every now and then.”

Sa mga nakalipas na araw, tila naging matunog ang pangalan ni Eman matapos siyang hirangin bilang bagong Sparkle artist, makadaupang-palad ang “crush” niyang si Jillian Ward, at makasama ang umano’y kalokalike niyang si Piolo Pascual.

KAUGNAY NA BALITA: Eman Bacosa, Sparkle artist na; hinihiritang itambal kay Jillian Ward na crush niya-Balita

KAUGNAY NA BALITA: 'Susunod na Jinkee?' Eman Bacosa, type si Jillian Ward!-Balita

KAUGNAY NA BALITA: ‘Piolo Pacquiao?’ Ilang netizens, naglalaway pa rin kay Eman Bacosa-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA