December 14, 2025

Home SHOWBIZ

'In*ka!' Kakai tinalakan Sarah Discaya matapos sabihing takot siya mawalay sa pamilya niya

'In*ka!' Kakai tinalakan Sarah Discaya matapos sabihing takot siya mawalay sa pamilya niya
Photo courtesy: Kakai Bautista/FB, ABS-CBN/FB


Walang prenong sinermonan ng aktres at singer na si Kakai Bautista ang kontratistang si Sarah Discaya matapos nitong ipahayag ang kaniyang takot na siya ay mawalay sa kaniyang pamilya kapag siya ay nakulong na.

Sa isang panayam, emosyonal na sinabi ni Discaya na ayaw niyang makulong sapagkat mayroong Attention-Deficit/Hyperactivity Disorder (ADHD) ang kaniyang mga anak.

Ayoko, ayoko sana [makulong].. Kasi as everyone knows, my kids they all have ADHD, husband ko nasa Senate tapos ako makukulong. Ang hirap. Ang hirap, hindi ko alam kung paano ‘yong mga anak ko. Hindi ko talaga alam,” saad ni Discaya.

MAKI-BALITA: 'Paano mga anak ko?' Sarah Discaya, takot mawalay sa pamilya 'pag nakulong-Balita

Sa ibinahagi namang social media post ni Kakai kamakailan, sinabi niyang “deserve” ng pamilya ni Discaya na matanggap ang galit ng bawat Pilipino, kaugnay sa pagkakasangkot niya sa isyu ng maanomalyang flood control projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“IN*KA! Sampu ng kanu-nunuan mo. Kung MAHAL nyo ang mga ANAK nyo, HINDI KAYO MAGIGING SAKIM. You will be served with what you DESERVE. Deserve ng PAMILYA MO ang BAWAT Galit na meron ang BAWAT Pilipino,” saad ni Kakai sa kaniyang post.

Giit pa niya, “excited” na silang mapanood kung paano nito pagdudusahan ang mga kahihinatnan ng mga naging desisyon nito.


“Wala kaming LABAN kase di naman maibabalik ang mga ninakaw nyo, PERO PATAS si KARMA. We are excited to WATCH you SUFFER the consequences,” aniya pa.

Matatandaang bumwelta rin si Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon kaugnay sa pahayag na ito ni Discaya.

"Ang hindi ko lang maintindihan, naaawa siya sa pamilya niya, naaawa siya kung kanino, dapat maaawa din siya doon sa mga taong biniktima nila. ‘Yong mga taong binabaha sa Bulacan, ‘yong mga taong binabaha doon sa Davao Occidental na kailangang-kailangan no’ng eskwelahan doon saka ng mga bahay do’n, ng flood control pero wala silang ginawa. Ghost projects,” saad ni Dizon.

MAKI-BALITA: 'Dapat maawa din siya sa mga taong biktima nila!'—Sec. Dizon kay Sarah Discaya-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA