December 16, 2025

Home BALITA National

Higit 70k kapulisan, ipapadala ng PNP para sa ligtas na Simbang Gabi 2025

Higit 70k kapulisan, ipapadala ng PNP para sa ligtas na Simbang Gabi 2025
Photo courtesy: MB, PNP (FB)

Magde-deploy ng higit 70,000 personnel ang Philippine National Police (PNP) para matiyak ang kaligtasan ng publiko sa darating na Simbang Gabi. 

Sa pahayag ni Acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa media nitong Linggo, Disyembre 14, ibinahagi niya na ipapakalat ang kapulisan sa mga simbahan at ilan pang matataong lugar bilang pagpapaigting ng kanilang inisyatibang “Ligtas Paskuhan 2025.”

“Our goal is for our kababayan to feel safe as they attend Simbang Gabi and return home. We are committed to helping make the Christmas season meaningful through improved peace and order measures,” saad ni Nartatez. 

Binanggit din niya sa media na nakabantay ang kapulisan sa emergencies tulad ng pagnanakaw, pandurukot, pagsikip ng daan dahil sa trapiko, at sunog. 

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

Gayunpaman, pinaalalahanan ni Nartatez ang publiko na manatiling alerto at mapagmatyag sa mga posibilidad ng mga pangyayaring ito, sumunod sa batas trapiko, at agad na i-report sa mga awtoridad ang mamamataang kahina-hinalang mga pagkilos. 

Ang Simbang Gabi ay parte ng tradisyong Pinoy tuwing Kapaskuhan na nagsisimula sa Disyembre 16 hanggang Disyembre 24. 

Sean Antonio/BALITA