December 16, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Dad's okay!' Kat De Castro, tiniyak na maayos na lagay ng tatay na si Kabayan

'Dad's okay!' Kat De Castro, tiniyak na maayos na lagay ng tatay na si Kabayan
Photo courtesy: Kat Sinsuat De Castro/FB

Nagbigay ng paglilinaw at update ang mamamahayag at director-general ng Philippine Information Agency (PIA) na si Kat De Castro hinggil sa kalagayan ng kaniyang ama na si TV Patrol news anchor, broadcast icon, at dating vice president na si Kabayan Noli De Castro, matapos magdulot ng pag-aalala sa publiko ang kaniyang naunang social media post.

Matatandaang naging usap-usapan at ikinabahala ng maraming netizen ang naunang post ni Kat kung saan humihingi siya ng dasal para sa kanyang ama.

"Prayers UP for my Dad!!!" aniya.

Dahil dito, agad na nag-alala ang publiko, lalo na ang mga tagasubaybay at tagahanga ng batikang mamamahayag. Ilang sandali matapos itong maibahagi, mabilis ding inalis ni Kat ang naturang post, na lalo pang nagdulot ng espekulasyon online.

Tsika at Intriga

Galit na lumayas! Claudine at utol ni Korina, naghiwalay dahil sa kasambahay?

Sa isang bagong post, pinasalamatan ni Kat ang lahat ng nagpaabot ng dasal, mensahe, at tawag para sa kaniyang ama.

“Thank you to everyone who prayed, messaged and called. Dad’s okay,” ani Kat, na sinabayan pa ng emoji ng puso at dasal bilang pasasalamat.

Photo courtesy: Screenshot from Kat Sinsuat De Castro/FB

Nang tanungin kung ano ang pinanggalingan ng naturang post, ipinaliwanag ni Kat na may kinalaman ito sa isinagawang surgery sa kaniyang ama.

Hindi na siya nagbigay ng karagdagang detalye ukol sa uri ng operasyon, ngunit nilinaw niyang maayos na ang kalagayan ni Kabayan Noli.

Sa kabila nito, nagbigay-linaw ang pinakahuling pahayag ni Kat na ligtas at nasa maayos na kondisyon na si Kabayan Noli De Castro, bagay na ikinagaan ng loob ng kaniyang mga tagasuporta at ng publiko.