December 14, 2025

Home FEATURES Human-Interest

#BalitaExclusives: ‘Posible pala?’ Puting uwak, naispatan sa Mindanao

#BalitaExclusives: ‘Posible pala?’ Puting uwak, naispatan sa Mindanao
Photo courtesy: Jun Rey Yap (FB)

“Pumuti na talaga ang uwak!” 

Isang “rare sighting” ng puting uwak o albino crow ang nakuhaan sa camera ng isang photographer sa rehiyon ng Mindanao kamakailan, na pumukaw sa interes ng netizens online.

Sa social media post ng wildlife photographer na si Jun Rey Yap, inilarawan niya bilang “one-in-a-million sighting” ang pagkakatagpo sa uwak sa Jasaan, Misamis Oriental. 

“In a world of black feathers, this stunning creature emerges, a vision of pure white. This rare albino crow is a breathtaking reminder that nature always holds a few dazzling surprises,” paglalarawan niya sa naging karanasan. 

Human-Interest

Ambagan nauwi sa Jombagan: Lalaki, binugbog dahil hindi nag-ambag sa Christmas party?

Aniya pa, base sa ilang pag-aaral, tinatayang isang albino crow lamang ang naipapanganak sa bawat 30,000 hanggang 100,000 kapanganakan. 

Kaya sa eksklusibong panayam ng Balita kay Yap, ibinahagi niyang bagama’t mailap at peligroso para sa mga bisita ang tahanan ng albino crow dahil kinakailangan pang dumaan sa bundok, “priceless” niyang maituturing na makita itong malayang nakakalipad noong umaga ng Nobyembre 27. 

“[I]t was [a] once in a lifetime [experience], I can say, the area was kind of isolated and risky since you have to travel a long way to the mountain to be there, and seeing it in the wild, unchained is kind of priceless!” hindi makapaniwalang saad ni Yap. 

Ibinahagi rin niya na inakala niyang imposible ang makakita ng puting uwak dahil simula pagkabata, inakala niyang itim lang talaga ang kulay ng mga ito, kaya rin daw bibihira talaga ang makakita ng ganoong uwak. 

“I've been seeing Philippine Jungle Crows when I was still young until my wildlife career, I know it was all black! Until today, the impossible turns possible! Pumuti na talaga ang uwak!” aniya. 

Hinggil naman sa kondisyon ng namataang albino crow, ibinahagi ni Yap na ikinagulat at namangha siyang malakas at masigla ito sa kabila ng pagiging vulnerable dahil sa kakaibang genetic condition. 

Saad din niya na na-rescue ito ng isang pamilya noong 2020, kung saan, sisiw pa lamang ito, at ayon pa sa ilang ulat, natagpuan itong sugatan, kaya inalagaan muna ng pamilya.

“It's surprising how the crow is still very active, alive and survived despite its vulnerability due to the genetic condition which is albinism. Luckily, it was rescued by a family in 2020 when it was still a chick, which helps the white crow thrive on challenges from the wild,” saad ni Yap. 

Bagama’t hindi raw ito ang unang beses na makakuha siya ng litrato ng isang “rare species,” bilang isang wildlife photographer, ang engkwentro niya sa albino crow ay kinokonsidera niyang espesyal.

Kaya, mensahe niya sa publiko na nais ding personal na makita ang uwak, na maigi munang makipag-ugnayan sa local government unit (LGU) ng Jasan, para matiyak ang kaligtasan at gabay sa magiging engkwentro. 

“All I can share with those who want to visit the crow is to coordinate with the local government unit of Jasaan for their safety and guidance. It was an advantage for me because I live here in Mindanao, which is not very far from where the crow exists, it takes around 1hr and 30mins for me to be there,” abiso ni Yap sa publiko. 

Sa kaugnay na ulat, ayon sa lathala ng Bio Explorer, ang albinism sa mga uwak ay dulot ng kakulangan ng melanin pigment dahil sa isang genetic mutation. 

Dahil dito, lumulutang ang anyo nila sa kagubatan dahil sa kanilang puting balahibo at tuka at pink na mga mata, na naiiba sa mga ka-uri nilang itim na uwak. 

Base pa sa lathala ng Natural Habitat Adventures, maihahalintulad ang katalinuhan ng mga uwak sa pitong taong gulang na tao, kung kaya’t may kakayahan itong maintindihan ang kilos at motibo ng mga tao. 

Sean Antonio/BALITA