Extra unforgettable Christmas Party? We gotchu, fam!
Sa taon-taong selebrasyon ng Kapaskuhan sa bansa, ang Christmas Parties ang highlight ng maraming pamilya, eskwelahan, at mga kompanya, para masayang makapagsalo-salo, makapamahagi ng mga aguinaldo, at mailabas ang kaniya-kaniyang trip.
Kaya sa social media, makikita ring naglipana ang iba’t ibang posts ng Gen Zs para bigyan ng panibagong twist ang nakasanayang parties at gawin itong “extra” memorable para sa lahat.
Para hindi na kayo mahirapan maghanap, narito ang ilan sa Gen Z-coded Christmas Party trends na tiyak ma-eenjoy ng lahat:
Small Gifts Exchange
Ang trend exchange gift trend na ito ang nagpapatunay sa kasabihan na “it’s the thought that counts” dahil inaalis nito ang pressure ng pagkakaroon ng mahal at malaking regalo para ma-impress ang pagbibigyan.
Ang kailangan lamang dito ay mga ka-party na may sense of humor at regalo na kahit maliit at hindi kamahalan ay functional at witty.
Katulad ng ginawa ng GIMIK cast kamakailan sa party at reunion nila, puwede itong toothbrush cover, keychain, pandesal, hand sanitizer, stress ball, o kung hanggang saan man abot ang humor ng magbibigay.
MAKI-BALITA: ‘Throwback ng mga kwarentahin!’ Tropang ‘Gimik’ muling nagkulitan sa reunion
Secret Santa With A Twist
Ang “Secret Santa With A Twist” trend ay isa pang exchange gift trend kung saan masusubok ang trip ng magbibigay.
Makikita sa ginawa ng netizen na si Christine Cruz na naka-label ang paper bag ng iba’t ibang package tulad ng “salon package” kung saan ang puwedeng laman ay sachet ng shampoo o kaya’y “self-care package” kung saan ang puwedeng laman ay pain relievers.
Our Achievement Cake
Para sa mas sentimental type na Christmas Party attendees, swak ang “Our Achievement Cake.”
Dahil sa trend na ito, hinihikayat ang bawat isa na magbalik-tanaw sa kanilang naging biggest achievement sa buong taon, isusulat ito sa isang sticky note na nasa toothpick, at itutusok sa cake para makuhanan ng video at litrato ng mga ka-party.
Christmas-themed Photoshoot
Para sa mga palaban at gusto ng estetik vibes, swak ang pag-seset up ng Christmas-themed photoshoot.
Ang kailangan lamang dito ay creativity, Christmas decors, camera, at magandang ngiti.
Puwede itong i-capture sa harap ng Christmas habang nakasuot ng Christmas hat at sweater para sa mala-Winter Wonderland na peg o kaya nama’y ang “Christmas in a box” o ang “Gift Wrap” set up para sa 3D effect.
Christmas Party Theme: Wrong Occasion
Isa pa sa trend na talagang magpapalabas ng kakulitan at trip sa buhay ay ang “Christmas Party Theme: Wrong Occasion.”
Sa trend na ito, puwedeng suotin ng attendees kung ano man ang mga outfit sa cabinet nila–mapa-school o work uniform man ito, costume, o cosplay pa man, basta hindi pang-holiday season.
Makikita sa ginawa ng netizen na si Mae na pumunta sila sa Christmas Party ng mga kaibigan na may iba’t ibang kasuotan mula sa iba’t ibang okasyon tulad ng fun run, binyag, at sleep over.
Sean Antonio/BALITA