December 13, 2025

Home BALITA Probinsya

Unang fully air-conditioned public school, bukas na sa San Pedro, Laguna

Unang fully air-conditioned public school, bukas na sa San Pedro, Laguna
Photo courtesy: DepEd Philippines (FB)

Ipinagmamalaki ng Department of Education (DepEd) ang kamakailan na pagbubukas ng unang fully air-conditioned na  pampublikong paaralan sa San Pedro City, Laguna.

Ayon sa pahayag ng DepEd, ang pagbubukas ng Pacita 2 Elementary School ay itinuturing nilang malaking hakbang sa pagmo-modernisa ng mga pampublikong paaralan. 

Ito’y dahil naniniwala ang ahensya na sa pagkakaroon ng komportableng learning environment, matutulungan ang mga estudyante na magkaroon ng mahusay na performance sa kanilang pag-aaral. 

“May mga scientific study na mas komportable ang mga learning environment, mas mataas ang score ng mga bata. Kaya nagpapasalamat kami sa modernized schools dito,” saad ni DepEd Sec. Sonny Angara. 

Probinsya

Tanza, Cavite, ‘di raw kaya makipagsabayan sa Pamasko food packs; babawi sa public hospital

Ang nasabing paaralan ay binubuo ng 4-storey at 12 classroom building, na maituturing na kauna-unahan na klase ng gusali sa Schools Division ng San Pedro, Laguna. 

Sa kabilang banda, binigyang-diin ng Kalihim na patuloy ang pagkilos ng  ng ahensya para matugunan ang kakulangan sa mga silid-aralan at iba pang kagamitan sa mga paaralan sa buong bansa. 

Tiniyak din ni Angara na  sa pakikipagtulungan nila sa local government units (LGUs) at ilang pribadong sektor, nagpapatuloy ang mabilis na pagpapatayo ng mga gusali, kabilang ang pagsasaayos ng leasing arrangements para sa mga bagong paaralan. 

Sa kasalukuyan, umaasa rin ang Kalihim na ipagpapatuloy ng Kongreso ang paglalaan ng mas mataas na pondo para sa basic education at mga proyektong pang-paaralan. 

“Sana sa bicam (bicameral committee conference) tuloy-tuloy. Kahit gusto nilang itaas ulit, tatanggapin po natin,” ani Angara. 

Sean Antonio/BALITA