December 13, 2025

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Tawag sa kaniya, ‘Maui Wowie!’ Darren, natuwa sa pag-viral ng ‘Maui Wowie’ performance

Tawag sa kaniya, ‘Maui Wowie!’ Darren, natuwa sa pag-viral ng ‘Maui Wowie’ performance
Photo courtesy: darrenespanto (IG), TV Patrol (FB)

Ikinatuwa at sinakyan ng singer at It’s Showtime host na si Darren Espanto ang naging pag-viral sa social media ng kaniyang “Maui Wowie” ASAP performance kamakailan. 

“When I walked in sa ABS-CBN today, walang tumawag sa akin ng ‘Darren,’ lahat nang nakakita sa akin, ‘Maui Wowie.’ Lahat ng artists, staff, the crew, ayon,” saad ni Darren sa panayam niya sa ABS-CBN TV Patrol noong Biyernes, Disyembre 12. 

“I feel like I made an impact, wow! On the Philippine entertainment landscape,” pabiro pa niyang dagdag. 

Binanggit din ng singer na sa tingin niya, kaya raw ito nag-trending ay dahil kinanta niya ito ng mas mataas kaysa sa orihinal na octave ng kanta, para na rin mas mai-ayon sa range ng boses niya. 

Musika at Kanta

Cup of Joe, nanguna bilang ‘Top Local Artist’ at ‘Top Local Group’ sa Spotify Wrapped 2025

“The song was a bit too low for my register. So, I sang it an octave higher. That’s why ayon, nag-viral siya,” ani Darren. 

Dahil sa naging pasabog na version ni Darren sa kantang Maui Wowie ni Kid Cudi, ginaya na rin ng maraming netizens at iba pang celebs sa social media ang kaniyang naging paglambitin habang kinakanta ito. 

Ilan dito ay sina It’s Showtime hosts na sina Anne Curtis at Kim Chiu, ang dancer at social media influencer na si Niana Guerrero, at maging ang American makeup artist at social media influencer din na si James Charles.

Noong Sabado, Disyembre 6, humirit ulit si Darren sa viral trend niya, kung saan, may caption itong “Last na ‘to HAHAHAHA⁩⁩” sa Instagram post niya. 

Banat ng ilang netizens, sa sobrang pagkalat ng “Maui Wowie” trend sa social media, paulit-ulit na itong nagpe-play sa utak nila. 

“Beh! Malapit na kita maging ringtone sa alarm. ”

“LSS Malala beh,Yung fyp ko puro Maui Wowiespanto ” 

“Binago ng vibrato nayon yung buhay ko syheeeet ”

“hayup ka darren ilang beses ginamit pang greet nung bday ko tong cover mo ”

Sean Antonio/BALITA