December 13, 2025

Home BALITA National

Sen. Bato at iba pa, 'di sumipot sa bicam conference committee meeting para sa 2026 nat’l budget

Sen. Bato at iba pa, 'di sumipot sa bicam conference committee meeting para sa 2026 nat’l budget
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Sinimulan na ng mga mambabatas mula sa Senado at House of the Representatives ang Bicameral Conference Committee Meeting para sa disagreeing votes ng House Bill No. 4058 o Fiscal Year 2026 General Appropriation Bill (GAB). 

Ayon sa live ng Senate of the Philippines sa kanilang YouTube nitong Sabado, Disyembre 13, mapapanood ang pag-iisa-isa ni Finance Committee chairman Sen. Win Gatchalian sa kaniyang mga kasamahang senador na dumalo sa nasabing pagpupulong. 

Kasalukuyang nagaganap ngayon ang nasabing pagpupulong mga mambabatas Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City, Metro Manila. 

Ang ilan sa mga dumalong senador para sa bicameral conference committee ay sina:

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

Sen. Win Gatchalian 

Sen. Loren Legarda 

Sen. Francis Pangilinan 

Sen. Erwin Tulfo 

Sen. Imee Marcos 

Sen. Bong Go 

Sen. Mark Villar 

Habang hindi naman makikita sa nasabing pagpupulong ang mga senador na sina:

Sen. Bato Dela Rosa

Sen. Pia Cayetano 

Sen. JV Ejercito 

Sen. Camille Villar 

Narito naman ang listahan ng mga kongresistang dumalo sa nasabing pagpupulong:

Rep. Abet Garcia

Rep. Maria Carmen Zamora

Rep. Rufus Rodriguez

Rep. Jurdin Jesus Romualdo

Rep. Brian Yamsuan

Rep. Javi Benitez

Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan

Rep. Allan Ty

Rep. Mikaela Suansing

Samantala, hindi na nagbigay ng impormasyon si Gatchalian kaugnay sa dahilan ng hindi pagdalo ng mga nasabing senador. 

Matatandaang nagsimulang lumiban si Dela Rosa sa mga sesyon sa Senado nang sabihin ni Ombudsman Jesus Crispin "Boying" Remulla na may warrant of arrest na raw ang International Criminal Court (ICC) laban sa kaniya.

MAKI-BALITA: Bato, halos 1 buwang absent! Gatchalian nausisa kung 'no work, no pay' rin mga senador

MAKI-BALITA: ₱6.793T para sa 2026 nat'l budget, aprubado na sa Senado!

Mc Vincent Mirabuna/Balita