Nagbigay ng reaksiyon ang drag artist na si Pura Luka Vega sa "12 Days na Libreng Sakay” sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3 bilang bahagi ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa X post ni Pura kamakailan, sinabi niya na tila ang libreng sakay ng gobyerno ay repleksyon ng pagkakaunawa ng tao sa pagiging bakla.
Aniya, “Malalaman mo talaga kung ano ang tingin at pagkakaunawa ng tao sa pagiging bakla. Because what do you mean ‘Libreng sakay for the LGBTQIA+?’
“Pero gow. Lahat tayo bakla on that day forda free ride. Keri ba mag SOGIE awareness din tayiz?” dugtong pa ng drag artist.
Matatandaang umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing programa, partikular sa kung paano mapapatunayan na miyembro ng LGBTQIA+ ang commuter na gustong i-avail ang libreng sakay.
Maki-Balita: 'Pag beks, papakita Grindr?' Scheduling ng DOTr libreng sakay, umani ng reaksiyon
Pero paglilinaw ng Department of Transportation, "For LGBTQIA+, no ID shall be required to be presented. Same with household helper, no ID shall be required."
Maki-Balita: Need ba ng proof?' DOTr nilinaw libreng sakay para sa LGBTQIA+, kasambahay, solo parents
Sa ilalim ng “12 Days na Libreng Sakay,” tuwing isang araw ay may nakatalagang sektor na puwedeng makapagbiyahe nang libre sa tatlong rail lines. Narito ang listahan ng mga sumusunod:
December 14 – Senior Citizens
December 15 – Students
December 16 – Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya
December 17 – Teachers at Health Workers
December 18 – Persons with Disabilities (PWDs) at mga lalaking pasahero
December 19 – Government Employees
December 20 – Babaeng Pasahero
December 21 – Pamilya (kahit ilan ang miyembro)
December 22 – Solo Parents at LGBTQIA+ members
December 23 – Private Sector Employees at mga Kasambahay
December 24 – Uniformed Personnel, Veterans, at kanilang pamilya
December 25 – Lahat ng Komyuter
Layunin nitong maipadama ang diwa ng Pasko sa publiko sa pamamagitan ng libreng, ligtas at komportableng pagbiyahe.