December 13, 2025

Home SHOWBIZ

'Personal ang pagboto!' Romnick, 'di nag-eendorso sa mga anak ng politikong iboboto

'Personal ang pagboto!' Romnick, 'di nag-eendorso sa mga anak ng politikong iboboto
Photo Courtesy: Screenshot from One News PH (YT), via MB

Hindi idinidikta ng aktor na si Romnick Sarmenta ang kaniyang politikal na paniniwala sa mga anak niya. 

Sa latest episode ng “Men’s Room” ng One News noong Biyernes, Disyembre 12, sinabi ni Romnick na naniniwala siyang napakapersonal na bagay ang pagboto. 

Ani Romnick, “Napakapersonal ng pagboto. Kahit ang mga anak ko, sinasaabi ko, huwag n’yong itanong sa akin kung sino ang iboboto n’yo.” 

“Tingnan n’yo ‘yong mga kandidato. Pag-aralan n’yo. Kung sino ang gusto n’yo, ‘yon ang iboto n’yo. Hindi tayo kailangang magkapareho,” dugtong pa ng aktor.

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

Sinabi ito ni Romnick matapos maungkat ang isang post niya noong 2025 midterm elections na hindi raw niya susuportahan ang mga kapuwa niya artistang kumakandidato.

“Sinabi ko rin sa post na ‘yon na unfair ‘yong laban. Tayo, araw-araw tayong nakikita ng mga tao sa loob ng bahay nila. So, may familiarity,” saad niya.

Kaya hindi raw ito patas para sa ibang kumakandidato na hindi sikat at walang maraming exposure sa iba’t ibang uri ng media gaya ng telebisyon.

Maki-Balita: Romnick Sarmenta, 'di suportado mga kapuwa artistang kumakandidato

Matatandaang isa si Romnick sa mga artistang bumoboses sa mga isyung panlipunan.